Ayon kay Fund (2013, p.15), “ang identidad ay hinggil sa konsepto ng sarili o grupo nang kung ano ang kahulugan ng pagiging sarili”. Ang identidad ay nasa ubod ng matagalang tunggalian sa pagitan ng pamahalaang Thai at mga naghihimagsik na Malay sa Malalim na Timog ng Thailand (Pattani, Yala, Narathiwat, at ilang bahagi ng Songkhla). Hinuhulma din nito ang kalikasan ng ugnayan sa pagitan ng mga mayoryang Thai at minoryang Malay. Matagal nang itinataguyod ng sentral na pamahalaan ang isang pambansang identidad ng mayoryang Thai – binibigyang-diin ang mga partikular na katangiang Thai tulad ng isang etnisidad ng Thai, isang wikang Thai, isang kasaysayang Thai, at Budismo—upang pagkaisahin ang mamamayan at lumikha ng matatag na nasyon. (Abuza, 2009; Aphornsuvan, 2006; Chalk, 2008; McCargo, 2008, 2009; Melvin, 2007; NRC, 2006; Pitsuwan, 1982; Storey, 2007, 2008; Yusuf, 2006). Gayunpaman, tumungo ang pagbibigay-diin na ito sa mga katangiang Thai sa mardyinalisasyon ng mga minoryang hindi Thai, laluna sa mga minoryang Malay ng Katimugang Thailand (Kelman, 2004). Maaaring nagpalaganap ng kilusang insurhensyang Malay na may layuning separatismo ang negatibong kalikasan ng ganitong relasyon.
Sa sanaysay na ito, nagbibigay pokus ako sa mga positibong aspeto ng identidad na Malay na gumanap ng pragmatikong papel sa mga larangang relihiyoso at kultural ng pang-araw-araw na buhay, malayo mula sa laban para sa kasarinlang pulitikal. Tunay nga, kinakatawan ng pragmatikong papel na ito ang isang ligtas na espasyo kungsaan nagawang maipahayag at maitaguyod ang identidad na Malay sa kasalukuyang klimang pulitikal. Tinatalakay ko ang dalawang kontemporaryong larangan sa pagpapahayag ng idetidad sa Malalim na Timog: papalaking gumagampan ng mahalagang papel sa pagtataguyod ng identidad ang aktibismo ng kabataan, laluna sa larangang mundong online, at ang tradisyunal na Tadika, o ang mga pre-school na Islam.
Pagpapahayag at Pagtataguyod ng Identidad na Malay
Naiiba ang mga susing komponent ng identidad na Malay kaysa sa mayoryang Thai, kungsaan nabuo ang identidad batay sa nasyong etniko-Thai, relihiyong Budista, at monarkiya (McCargo, 2012). Batay sa mga pananaliksik kamakailan, napag-alaman kong karaniwang binibigyang-kahulugan ng mga lokal na Malay ang kanilang identidad batay sa dalawang : relihiyon at wika. Una, pinakakaraniwang binabanggit ng aking mga Malay na taga-bigay ng impormasyon ang relihiyong Islam bilag pangunahing komponent ng kanilang identidad. Espesyal na binibigyang-diin ang Islamikong kasuotan at kaanyuan. 1 Lohikal ito sa kalagayang mga Muslim na Sunii ang malawak na mayorya ng mga Malay sa Malalim na Timog. 2 Gaya ng sinabi ng isa sa aking mga taga-bigay ng impormasyon na si Muhammad, isang lokal na peryodista, “ang relihiyon ang pinaka hindi nakakatakot na kondisyon ng tunggalian at pinaka-tinatanggap ng estado” kumpara sa dalawa pang ibang kondisyon ng tunggalian: “lupa at etinisidad ng Malay”. 3 Tunay nga, malinaw na hindi binabanggit ng aking mga taga-bigay ng impormasyon ang ‘etnisidad’ sa mga kanilang depinisyon ng sarili. Sa halip, paulit-ulit nilang inihahayag ang lokal na wikang Yawi bilang mahalagang palatandaan ng pagiging Malay sa Malalim na Timog.
Nakagugulat na nababawasan sa paglipas ng panahon ang antas ng pagsupil ng mga Malay sa kanilang identidad sa kabila ng pagpapatuloy ng pamahalaang kontrolado ng militar na pinamumunuan ni General Prayuth Chan-o-cha sa pambansang antas at ng naghaharing na komand at kontrol ng militar sa mga patakaran sa Malalim na Timog. Pero dapat ba tayong magulat na yumayabong ang identidad na Malay sa ilalim ng paghaharing militar? Una, ginagarantiyahan ng pinakabagong konstitusyon ang kalayaang pang-relihiyon, isang konstitusyong kungsaan instrumental si Prayuth sa pagbubuo. Ikalawa, idineklara din ni Heneral Prayuth ang ‘pluralismong kultural’ bilang gabay na patakaran para resolbahin ang mga hidwaan sa Malalim na Timog (NSC, 2016). Sa pagkilala sa ganitong kapaligiran ng mas mahusay na kalayaang pang-relihiyon, sinabi ng isa sa aking mga taga-bigay ng impormasyon “[kapag] ibinubukas ng estado ang higit na espasyo”, “malayang naipapahayag” ng mga lokal ang kanilang identidad na Malay. 4 Hindi lamang “hindi na ipinagbabawal ng gobyerno” 5 kundi lalong itinaguyod ang paggamit ng wikang Yawi at kasuotang Islamiko, “na nagdulot sa identidad na Malay na maging natatangi at higit na konsolidado sa nakaraang 4-5 taon”. 6
Mahusay na tumugon ang aktibismo ng kabataan sa gayung pagbubukas ng espasyo para sa identidad, na naging mahalagang mekanismo sa pagtataguyod ng pagsasabuhay ng Islam at wikang Yawi language. Lalong nagiging mulat ang kabataang Malay (edad 15 hanggang 30) sa kanilang identidad at gumagampan ng aktibong papel sa preserbasyon nito. Nakikisangkot ang mga grupo ng kabataan sa mga kampanyang kultural sa online upang mapakilos ang daan-daang katao na magsuot ng kasuotang Islamiko sa mga espesyal na okasyon at mga kapistahang relihiyoso, tulad ng kapistahang Hari Raya o ‘Eid’ sa wikang Arabiko sa pagtatapos ng Ramadan. 7 Nagpahayag din ng pag-aalala ang mga kabataang aktibista hinggil sa mababang istandard at kalidad ng Yawi at nagsisikap na paramihin ang bilang ng mga lokal na nakagagamit ng wikang Yawi. Maaaring ikategorya sa tatlong grupo ang kakayahan ng mga Malay na gumamit Yawi. Una, ang malawak na mayorya ng Malay ay mukhang nakakagamit ng simple o “impormal” na antas ng Yawi; kaya nilang magsalita at maka-unawa ng limitadong bilang ng mga salitang Yawi lamang. Ang ikalawa, ang relatibong maliit na grupo ng mga Malay na iskolar sa wika at mga akademiko na nakapagsusulat ng Romanised scripts dahil nakapag-aral sila at nakakuha ng pormal na pagsasanay sa wikang Malay, sa Malaysia o sa Indonesia. Ang ikatlo at pinamaliit na grupo ay ang karamiha’y mga nakatatandang Malay na intelektwal ay nagtataglay ng kasanayan kapwa sa pagsasalita at pag-unawa ng Yawi (sa halip na bahasa Malaysia) gayundin ng abilidad na magsulat ng mga letrang Yawi.
Makikita sa mga (digital network at online platform) ang kasiglahan ng aktibismo ng kabataan. Inspirado na ma-preserba ang kakanyahan ng wikang Yawi, nilika ni Ding, isang artistang freelance ang isang libreng computer font na Yawi, na tanging font na Yawi na magagamit sa ngayon. Malawakang kinokopya at ginagamit ang kanyang font na Yawi ng mga kabataan, opisyal ng pamahalaan, at mga pribadong kumpanya. Makikita ito sa mga Facebook page, advertising labels at mga paskilan at karatula. Nakikipagtulungan din sa Ding sa kanyang mga kaibigan para unti-unting tipunin ang mga salitang Yawi bilang bahagi ng pagsisikap na lumikha ng diksyunaryong Yawi. Dagdag pa, dumarami sa online sites ang ilang materyales pang-media na Yawi, tulad ng mga balita at istoryang kartun. Ipinaliwanag ni Muhammad na ito ay dahil sa “may ibang mga paraan ng komunikasyon ang mga kabataan na higit na ‘online’, samantalang kalimitang nagmomobilisa ang nakatatandang henerasyon ng mga aktibista sa paraang ‘on-ground’”. 8
Bagaman lumalakas ang paggana sa mundong digital, ginagamit pa rin ng kabataang Malay ang Tadika o mga Islamikong pre-school, na isa sa mga pinaka-batayang platapormang pang-edukasyon sa mga komunidad na Malay upang patatagin ang pandama sa isang mapayapang identidad na Islamiko, kasama ang pagtuturo sa wikang Yawi. Mahigpit na nakikipagtulungan si Hasan, isang guro at lider ng grupo ng kabataan na tinatawag na Bungaraya, sa mga lokal na komunidad at sa pamahaaan upang turuan ang mga nakababatang henerasyon hinggil isang mapayapang interpretasyon ng Islam sa pamamagitan ng pagpapasok ng kapayapaan sa kurikulum na itinuturo sa mga paaralang Tadika schools. Ipinahiwatig ni Hasan na “isang aparato ang Tadika para paganahin ang pluralismong pangkultura” at tumutulong ito na itaguyod ang “wikang Yawi”, na ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Tadika. 9 Hindi lamang nakatutulong ang paggamit ng Yawi sa mga silid-aralan sa pagpapanatili ng lokal na kultura at identidad, kundi nagreresulta din ito ng mas mahusay na pagtupad sa gawaing akademiko (World Bank, 2015).
Mahalagang maitala na limitado lamang ang kalayaang magpahayag at magtaguyod ng identidad na Malay sa mga larangan ng ‘relihiyon at kultura’, o sa tinatawag ni Mattanee bilang “malalamig na usapin”. 10 Kinakapos ang kalayaang ito kapag iniugnay ang pagpapahayag at pagtataguyod ng identidad na Malay sa mga maseselang usapin, tulad ng karapatang pantao, katarungan at kalayaang pampulitika. Isang halimbawa ang paggamit ng partikular na salitang ‘Patani’. Gaya nang inilarawan ni Muhammad, “ang salitang ‘Patani’ ay sensitibo dahil nagmula ito sa pangalan ng Kahariang Patani noong unang panahon at ginamit ito sa paglaban para sa kasarinlang pulitikal”. 11 Gayunpaman, naniniwala siyang “maari lamang na ipagbawal ng estado ang salitang ito sa pormal na kaayusan ngunit hindi nito tunay na mapipigilan ang mga karaniwang mamamayan na gamitin ito”. Idinagdag niyang “hindi tatanggapin ng pamahalaan kung may isang taong kinikilala ang sarili bilang isang taong Patani (Khon Patani)”. Sa halip, tatawagin siya ng pamahalaan na “isang taong nagmula sa lupain sa katimugang hangganan”. Ang hidwaang ito hinggil sa mistulang hindi nakapipinsalang pagpapahayag ng sarili ay pinakamusay na naipapakita isang karatula na nakikita sa paradang pampalakasan ng mga estudyante ng Yala Ratjabhat University, na nagsasabing: “Maari ko bang tawagin ang aking sarili bilang ‘taong ‘Patani’?”.
Dagdag pa, sa paghihigpit sa paggamit ng salitang ‘Patani’, naiulat din ang mga gawain ng pamahalaan para subaybayan at pakialaman ang ilang aktibidad pangkomunidad. Tinalakay ni Hasan ang panghihimasok ng pamahalaan sa “kurikulum ng paaralang Tadika at pagbabago sa mga nilalaman ng leksyon, ginagamit ang kapangyarihang militar para pilitin ang mga guro ng Tadika na dumalo sa mga worksyap at dinidiktahan [ang mga guro ng Tadika] sa dapat gawin. 12 Karamihan sa mga paaralang Tadika ang sumusunod sa mga utos ng militar upang iwasang ma-aresto. Nagpahayag din ng pag-aalala si Hasan sa potensyal na kahinaan ng patakaran ng pamahalaan sa pluralismong kultural, na ikinatatakot niyang makalikha ng diwang kompetisyon sa halip na kooperasyon sa pagitan ng mga gawaing pinangungunahan ng pamahalaan at mga kampanyang pinangungunahan ng mga lokal na Malay na sinupil sa nakaraan, ngunit sumulpot muli kamakailan.
Mas mahalaga, kalimitang “mali ang paggamit ng wikang Yawi o mali ang pagbaybay ng mga salitang Yawi” sa mga pabatid at mga dokumento ng mga ahensya ng pamahalaan na nag-oorganisa ng mga pangkulturang aktibidad na Malay. Iyon ay dahil wala silang konsultasyon sa mga lokal, laluna sa “mga eksperto sa wikang Yawi”, at nakakaligtaan ang “tunay na partisipasyong publiko”. Sa ganitong paraan, maaaring makasama pa kaysa makabuti ang mga gawain ng pamahalaan, sa kabila ng mabubuting hangarin na maipakita ang suporta ng pamahalaan sa kulturang Malay ng mga lokal na komunidad.
Konklusyon
Sa ilalim ng pamahalaang pinamumunuan ng militar, nagaganap ang pagpapahayag at pagsusulong ng identidad na Malay sa isang pargmatikong paraan. Pinatatampok ng mga lokal na Malay ang dalawang elemento ng identidad na Malay: ang Islam at ang wikang Yawi. Yumayabong ang dalawang komponent na ito nang may pahintulot ng pamahalaan. Lumitaw ang mga kilusang kabataang Malay bilang makapangyarihang pwersa para isulong ang identidad na Malay sa pamamagitan ng iba’t ibang lunsaran. Sa isang banda, nagpapatuloy bilang isang mahalagang lunsaran ang tradisyunal na edukasyon ng paaralang Tadika para palakasin ang mga paniniwala at kulturang Islam kasama ang wikang Yawi. Sa kabilang banda, naging mga mabisang daluyan ng komunikasyon ang lunsarang online at social media kungsaan naitataguyod ng kabataang Malay ang pagpapraktika ng Islam at wikang Yawi. Gayunpaman, may ebidensya na nagpapakitang hinihigpitan at sinusubaybayan ng pamahalaan ang mga pagpapahayag ng identidad, tulad ng paggamit sa salitang ‘taong Patani’. Gayundin, kung minsa’y nagpapakita ang pamahalaan ng maling gawa at maling pag-unawa sa lokal na kultura at wika, na tunay na nag-aambag sa pagpapahina ng relasyon sa pagitan ng pamahalaan at lokal na populasyong Malay.
Ajirapa Pienkhuntod
Ajirapa Pienkhuntod is a faculty member and researcher, Research Group on Local Affairs Administration and Smart City Development, College of Local Administration, Khon Kaen University, Thailand.
Banner image: A small group of Muslim boys attend religious school at Krabi, Thailand. Photo: Decha Kiatlatchanon / 123rf.com
Bibliography
Abuza, Z. (2009). Conspiracy of Silence Washington DC: United States Institute of Peace Press.
Aphornsuvan, T. (2006). Nation-state and the Muslim identity in the southern unrest and violence. In I. Yusuf & L. P. Schmidt (Eds.), Understanding conflict and approaching peace in Southern Thailand (pp. 92-127). Bangkok: Konrad Adenauer Stiftung.
Chalk, P. (2008). The Malay-Muslim Insurgency in Southern Thailand. Santa Monica, CA: RAND National Defense Research Institute.
Che Man, W. K. (1990). Muslim Separatism: The Moros of Southern Philippines and the Malays of Southern Thailand. Singapore: Oxford University Press.
Croissant, A. (2005). Unrest in South Thailand: Contours, Causes, and Consequences Since 2001. Comtemporary Southeast Asia, 27(1), 21-43.
Funk, J. (2013). Towards an Identity Theory of Peacebuilding Centre for Research on Peace and Development (CRPD) Working Paper No.15.
McCargo, D. (2008). Tearing apart the land: Islam and legitimacy in Southern Thailand. Ithaca, New York: Cornell University Press.
McCargo, D. (2009). The politics of Buddhist identity in Thailand’s Deep South: The demise of civil religion? Journal of Southeast Asian Studies, 40, 11-32.
McCargo, D. (2012). Mapping national anxieties: Thailand’s southern conflict: NIAS Press.
Melvin, N. J. (2007). Conflict in Southern Thailand: Islamism, Violence and the State in the Patani Insurgency Stockholm International Peace Research Institute.
National Reconciliation Commission (NRC). (2006). Overcoming Violence Through the Power of Reconciliation. Retrieved from http://thailand.ahrchk.net/docs/nrc_ report_en.pdf.
Office of the National Security Council (NSC). (2016). Southern Border Provinces Administration and Development Policy 2017-2019. Retrieved from http://www.nsc.go.th/นโยบายการบริหารและการพัฒนาจ.ชายแดนภาคใต้พ.ศ.2560-2562(5ภาษา).pdf.
Pitsuwan, S. (1982). Islam and Malay Nationalism: A Case Study of the Malay-Muslims of Southern Thailand. (PhD), Harvard University, Massachusettes.
Storey, I. (2007). Ethnic Separatism in Southern Thailand: Kingdom Fraying at the Edge?. Retrieved from http://apcss.org/ethnic-separatism-in-southern-thailand/.
Storey, I. (2008). Southern Discomfort: Separatist Conflict in the Kingdom of Thailand Asian Affairs, an American Review, 35(1), 31-51.
World Bank. (2015). Youth Group Builds Peace through Education in Southern Thailand. Retrieved from https://www.worldbank.org/en/news/feature/2015/12/21/youth-group-builds-peace-through-education-in-southern-thailand.
Yusuf, I. (2006). The ethno-religious dimension of the conflict in Southern Thailand In I. Yusuf & L. P. Schmidt (Eds.), Understanding conflict and approaching peace in southern Thailand (pp. 169-190). Bangkok: Konrad Adenauer Stiftung.
Yusuf, I. (2007a). Faces of Islam in Southern Thailand. Washington: East-West Center.
Notes:
- Interviews conducted in October 2019. The key informants are involved in various fields such as civil society, education, journalism, and youth activism in the Deep South of Thailand. ↩
- See more details about fragmentation of the old and the new Islamic traditions in McCargo, D. (2008). Tearing apart the land: Islam and legitimacy in Southern Thailand. Ithaca, New York: Cornell University Press., and Yusuf, I. (2007a). Faces of Islam in Southern Thailand. Washington: East-West Center. ↩
- Interview with Muhammad on 20 October 2019. ↩
- Interview with Muhammad on 20 October 2019. ↩
- Interview with Ding on 24 October 2019. ↩
- Interview with Hasan on 22 October 2019. ↩
- Interview with Mattanee on 18 October 2019. ↩
- Interview with Muhammad on 20 October 2019. ↩
- Interview with Hasan on 22 October 2019. ↩
- Interview with Mattanee on 18 October 2019 ↩
- Interview with Muhammad on 20 October 2019. ↩
- Interview with Hasan on 22 October 2019. ↩