
Noong Pebrero 1, 2021, naglunsad ng kudeta ang militar ng Burma – ang Tatmadaw – na umagaw sa pampulitikang kontrol ng bansa. Inilunsad ang naturang kudeta sa kadahilanan umano ng malaganap na dayaan sa pangkalahatang halalan noong Nobyembre 2020.[1] Nagwagi sa nasabing halalan ang National League for Democracy (NLD) ni Aung San Suu Kyi nang may malaking kalamangan. Napanalunan ng NLD ang 920 (o 82%) ng kabuuang 1,117 posisyon, samantalang nakakuha lamang ng 71 puwesto, o 6.4% ng mga posisyon, ang Union Solidarity and Development Party (USDP) na sinusuportahan ng militar.[2]
Matapos ang kudeta, nagdeklara ang Tatmadaw ng State of Emergency (SoE) sa loob ng isang taon.[3] Nang magwakas ito noong Pebrero 2022, anim na ulit pang pinalawig ang SoE, anim na buwan sa bawat pagkakataon, hanggang Hulyo 2024. Itinalaga ni Senior General Min Aung Hlaing ang sarili bilang Punong Ministro ng Myanmar noong Agosto 1, 2021, anim na buwan matapos ang kudeta, at nagsilbing hudyat ng pagkakabuo ng isang pamahalaang tagapangalaga sa ilalim ng kaniyang pamumuno.[4] Matapos nito, nanungkulan siya bilang pangulo noong Hulyo 22, 2024 at pinalawig pa ang SoE hanggang Enero 31, 2025.[5] Pinangatuwiranan ng Tatmadaw ang mga pagpapalawig sa SoE sa pagsasabing nagdadala ng malaking panganib sa paglulunsad ng halalan ang nagpapatuloy na ligalig at kawalan ng istabilidad sa bansa.[6]
Bagaman nangako si Min Aung Hlaing, bilang Tagapangulo ng SAC, na maglulunsad ng halalang multi-partido matapos ang kudeta,[7] ginamit ng SAC ang mga pagpapalawig sa SoE para sistematikong lansagin ang balangkas ng multi-partidong halalan na positibong umuunlad mula pa noong 2003 bago ang kudeta.
Ipinakikita ng mga pangyayari pagkatapos ng kudeta noong 2021 ang mga pagtatangka ng Tatmadaw na bawiin ang kapangyarihan mula sa mga repormang demokratiko na pumawi sa impluwensiya nito.[8] Bahagi ng proseso ng pagbawi ng kapangyarihan ang pagbabalik ng kanilang kontrol sa balangkas ng halalan sa bansa, upang pahinain ang papel ng mga pwersang maka-demokrasya, na nagpapahintulot sa Tatmadaw na konsolidahin ang awtoridad nito sa pamamagitan ng pagmanipula sa mga ligal na balangkas, pagsupil sa pagtutol, at pagiisang-tabi sa mga partidong oposisyon.
Ang Daan tungo sa Demokrasya sa Myanmar
Noong 2003, sinimulan ng militar ng Myanmar ang isang bagong bisyon sa repormang pampulitika na tinawag na “Roadmap to Discipline-flourishing Democracy.” Layunin ng pitong-hakbang na prosesong[9] ito na pahusayin ang lehitimasyon ng rehimen sa lokal at internasyunal na larangan matapos ang ilang dekada ng mahigpit na paghaharing militar.[10] Binalangkas ng roadmap ang paunti-unting pagtatatag ng istruktura ng demokratikong pamamahala na magsisimula sa pagbubuong muli ng Pambansang Kombensyon na magtatakda ng mga prinsipyo ng konstitusyon. Kasunod sa proseso ang pagbubuo ng bagong konstitusyon at sa huli ay ang paglulunsad ng malaya at patas na halalan.
Nagpahayag ng pag-aalala ang UN[11] na walang partisipasyon at transparency ang pitong-hakbang na roadmap ng militar dahil hindi nito isinali sa proseso ang mga susing partido pulitikal at mga stakeholder. Sa kabila ng mga kritisismo, itinuloy ng Tatmadaw ang roadmap at ipinatupad ang Konstitusyong 2008 na epektibong nagpatibay sa kapangyarihan nito.[12] Naglaan ang konstitusyong ito ng 25% ng mga puwestong parliyamentaryo sa mga hindi-halal na kinatawan ng militar, na nagbigay sa militar ng kakayahang baliktarin ang mga pagbabago sa konstitusyon, at nagtitiyak na mananatli ang dominanteng papel nito sa pamamahala sa kabila ng mga nominal na demokratikong reporma.[13]
Noong Nobyembre 2010, nag-organisa ng pangkalahatang halalan ang State Peace and Development Council (SPDC), ang pamahalaang militar ng Myanmar, subalit sinalubong ito ng pagboykot ng NLD at marami pang ibang partidong maka-demokrasya. Ikinatuwiran ng mga grupong ito ang kabiguan ng SPDC na mailatag ang mga esensyal na kondisyon para sa malaya at patas na halalan, tulad ng pagbabawas sa kapangyarihang militar na pinatibay ng Konstitusyong 2008, na nagbigay sa Tatmadaw ng malaking kontrol sa parliyamento. Nanawagan rin sila ng internasyunal na pagmamatyag sa halalan at pagpapalaya sa lahat ng mga detinidong pulitikal, kabilang si Daw Aung San Suu Kyi, bilang mga prekondisyon sa paglahok.[14]
Dahil sa kawalan ng mga garantiya sa malaya at patas na halalan, umatras ang NLD at iba pang partidong maka-demokrasya sa prosesong elektoral at napagwagian ng maka-militar na Union Solidarity and Development Party (USDP) ang 129 (mula sa 224) pwesto sa halalang 2010, na ginanap sa gitna ng malawak na mga alegasyon ng iregularidad[15] Sa kabila ng mga alegasyong ito, nagkaroon ng nominal na pamahalaang sibilyan ang Myanmar mula taong 2011, na naghanda ng entablado para sa halalan 2015.

Mga Kaganapang Elektoral matapos ang Pangkalahatang Halalan 2010
Ipinagpalagay ng internasyunal na komunidad na ang pangkalahatang halalan noong 2010 ay ang ikalima sa pitong-hakbang na roadmap ng junta tungo sa disiplinadong demokrasya, na ang ikaanim at ikapito ay ang pagtitipon sa mga halal na kinatawan at ang pagbubuo ng isang makabago, maunlad, at demokratikong nasyon sa ilalim ng disiplinadong demokrasya.[16]
Inamyendahan ng gobyernong sibilyan ng Myanmar na sinusuportahan ng militar ang balangkas ng halalan, sa pamumuno ni General Thein Sein, na nangungulo sa Union Solidarity and Development Party (USDP), upang pahintulutan ang paligsahan sa paglahok sa eleksyon.[17] Pinahusay ng mga pagbabago ang inklusibidad sa pamamagitan ng bagong proseso sa pagpaparehistro ng mga botante, kasama na ang pagpapahusay ng transparency sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na patakaran sa Union Election Commission (UEC) upang magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon hinggil sa pagpopondo sa kampanyang pulitikal.[18]
Bunga nito, muling nabuhay at napalakas ng NLD ang sarili, nakapagbuo ng mga sangay ng partido, at napalawak ang mga koneksiyon at kasapian sa buong bansa. Sa espesyal na halalan na ginanap noong 2012 upang punan ang 46 bakanteng puwesto sa parliyamento (mula sa kabuuang 664 puwesto) at 2 lokal na puwesto sa parliyamento sa mga rehiyon ng Bago/Pegu at Ayeryarwady/Irrawaddy, napagwagian ng NLD ang lahat ng posisyon maliban sa dalawa, kabilang ang pagwawagi ni NLD Chair Aung San Suu Kyi ng puwesto sa mababang kapulungan.[19]
Sa paglago ng popularidad ng NLD at mga pagbabago sa sistemang elektoral, inasahan na ang halalang 2015 ay magiging labanan sa pagitan ng NLD at ng Union Solidarity and Development Party (USDP) – isang ultranasyunalista at maka-militar na partidong pulitikal.[20] Dagdag pa, itinulak ng popularidad ni Aung San Suu Kyi ang iba’t ibang etnikong grupo na bumoto sa NLD. Ang mga salik na ito ang dahilan kung paano napanalunan ng NLD ang halalan noong 2015 kung saan nakuha nila ang 135 puwesto sa Mataas na Kapulungan at 255 puwesto sa Mababang Kapulungan, sa kabila ng malakas na kapangyarihan ng militar.[21]
Isang mahalagang tanda ng pagpihit ng Myanmar tungo sa isang demokratikong transisyon ay ang halalan 2015.[22] Sinimulan ang mga susing reporma para palakasin ang elektoral na balangkas para sa halalang 2020. Kabilang dito ang pagpapahusay sa Union Election Commission (UEC) upang tiyakin ang transparency at kredibilidad, pagpapahusay sa mga proseso sa pagpaparehistro ng mga botante, at pagkikinis sa ligal na balangkas para sa mga praktikang elektoral.[23] Dagdag pa rito ang mga palihan sa antas munisipal at pambansa na layuning pahusayin ang pamamahala sa halalan at magtatag ng mga epektibong mekanismo sa pagresolba ng mga tunggalian.[24]
Dahil sa mga repormang ito, kasabay ng popularidad ni Aung San Suu Kyi, pag-unlad ng ekonomiya at hidwaang etniko, napanalunan ng NLD ang 396 mula sa 476 na puwesto sa pangkalahatang halalan noong 2020, samantalang 35 puwesto ang napanalunan ng maka-militar na Union Solidarity and Development Party.[25]

Mga Kaganapan sa Lehislasyon matapos ang Kudeta (2021 – 2024)
Kasunod ng kudeta noong 2021, nilayon ng militar na baguhin ang kalagayang elektoral sa pamamagitan ng pagpapahina sa papel ng oposisyong pulitikal na dumagdag sa paghina ng demokrasyang multi-partido sa bansa at nagkonsolida sa kontrol nito, lalo na matapos ang mga resulta ng halalang 2015 at 2020.
Noong Marso 2021, kasunod ng pagpapataw ng Batas Militar sa pamamagitan ng mga Order 1/2021,[26] 2/2021,[27] at 3/2021,[28] itinatag ng junta ang mga “espesyal na korte o mga hukumang militar” na naglipat ng kapangyarihang ehekutibo at hudisyal sa mga rehiyunal na komander ng hukbo sa ilalim ng Artikulo 419 ng Konstitusyong 2008. Nilayon ng mga korteng ito na hawakan ang seguridad at pabilisin ang paglilitis sa mga kinatawan ng partido pulitikal at mga aktibistang inaresto matapos ang kudeta. Sa paggana ng mga ito sa ilalim ng kontrol ng militar, kalimitang humahantong ito sa mabilisang paghahatol nang walang sapat na prosesong ligal.[29]
Noong Mayo 2021, hayagang nanawagan si U Thein Soe –tagapangulo ng Union Election Commission (UEC) na itinalaga ng junta–para lusawin at lansagin ang National League for Democracy (NLD) bunga ng akusasyong nagpakana umano ito ng mga iligal na aktibidad para manalo sa halalang 2020 (The Irrawaddy, May 2021). Pagsapit ng Hulyo 2021, pinawalang-bisa ng UEC na kontrolado ng junta ang resulta ng halalang 2020 dahil umano sa pandaraya at mga iregularidad na gawa ng NLD.[30] Dagdag pa, tumindi ang intimidasyon laban sa mga kasapi ng NLD sa porma ng pagreyd sa mga opisina,[31] pang-aaresto[32], at pagpatay sa mga kasapi nito.[33]
Noong Nobyembre 2021, kinasuhan ng junta ang pinakamatataas na pinuno ng NLD ng pandaraya sa halalan[34], pinuntirya ang mga opisyales sa halalan na itinalaga ng pinatalsik na pamahalaang pinamumunuan ng NLD, at inaresto’t kinasuhan ang dating tagapangulo ng UEC[35] kasama ang higit 100 pang mga tagapangasiwa ng halalan[36] sa reklamong pandaraya sa halalan. Pagsapit ng Hulyo 2022, kinasuhan at pinagmulta nito ang higit 2,400 na kasapi ng UEC sa maraming kasong may kaugnayan sa halalang 2020.[37]
Sa ganitong konteksto, sinimulan ng junta ang mga pagbabagong administratibo at ligal upang lalo pang lansagin ang mga pagsulong sa halalan at ang resulta ng halalang 2020. Dapat bigyang pansin ang kahit man lamang tatlo sa mga pagbabagong ito.
Una, ipinanukala ng mga pinunong militar at mga partidong maka-militar ang pagbabago mula sa first-past-the-post (FPTP) tungo sa proporsyonal na representasyon (PR).[38] Paulit-ulit itong sinasambit ng junta matapos ang kudeta noong 2021. Ipinagpapalagay na isang estratehiya ang PR para pahinain ang mga partidong oposisyon sa pamamagitan ng pagpapahina ng kanilang kakayahang maging mayorya, kahit pa makuha nila ang pinakamaraming boto sa isang estado. Sa pamamagitan ng sistemang ito, katuwang ng pagbabago sa pagkakahati-hati ng mga distrito nang may pulitikal na pagkiling, at kawalan ng indipendyenteng mekanismo ng pagmamasid, ay matitiyak na mapapanatili ng mga partidong sinusuportahan ng militar ang kanilang impluwensya sa mga susunod na halalan.[39] Maaaring mapalakas o mapahina ng pagbabago ng pagkakahati-hati ng malalaking distrito ang katangian ng mga botante upang lalong baluktutin ang paglalaan ng mga posisyon pabor sa rehimen.[40]

Ikalawa, isinabatas ng junta ng Myanmar noong Enero 2023 ang Political Party Registration Law[41] kapalit ng batas noong 2010. Inamyendahan ng SAC ang batas noong Enero 2024 na kilala bilang State Administration Council Law No 15/2024,[42] na lalong nagpahigpit sa pagpaparehistro at operasyon ng mga partido pulitikal. Naglalaman ang bagong batas ng mga probisyon na naglalayong pahinain ang mga partidong oposisyon at sagkaan ang kanilang kakayahan na magreklamo kaugnay ng halalan. Kapansin-pansin na pinagbabawalan nito ang sinumang hinatulang may-sala sa anumang krimen o nagsisilbi ng sentensya sa kulungan na sumapi sa anumang partido pulitikal, na nagtatanggal ng karapatan sa maraming kilalang personalidad ng oposisyon. Kasama sa mga naapektuhan nito sina Aung San Suu Kyi at Pangulong Win Myint ng NLD, na kapwa hinatulang may-sala sa mga kasong may pulitikal na motibo matapos ang kudeta noong 2021. Hinatulang may-sala si Suu Kyi sa kaso ng korupsyon, paglabag sa mga restriksyon kaugnay ng pandemyang COVID-19, at paglabag sa Official Secrets Act, habang hinatulang may-sala naman si Win Myint sa mga paglabag na may kaugnayan sa terorismo.[43]
Nagpataw din ang batas ng mga mahihigpit na rekisito sa pagpaparehistro na nagbibigay lamang sa mga partido pulitikal ng 60 araw para magparehistro sa mga awtoridad sa halalan upang hindi ito lusawin. Pagsapit ng huling araw, 40 partido pulitikal ang nilusaw, kasama ang NLD na piniling hindi magparehistro.[44] Kinumpirma ni Tun Myint, kalihim ng komiteng tagapagpaganap ng NLD sa rehiyon ng Yangon ang pagtanggi ng partido sa batayang hindi lehitimo ang mga awtoridad sa halalan na binuo ng konseho ng militar.[45] Dagdag pa, ang batas ay nagtanggal ng karapatan ng alinmang partido pulitikal na tinukoy na teroristang organisasyon. Kasama rito ang oposisyong National Unity Government (NUG), na aktibong lumalaban sa junta at opisyal na binansagang teroristang grupo ng rehimen noong Setyembre 2021,[46] kung kaya’t hindi na ito maaaring lumahok sa prosesong pulitikal.
Ikatlo, isa pang estratehiyang ginamit ng militar ang paglulunsad ng baha-bahaging halalan upang tiyakin ang kapangyarihang pampulitika nito.[47] Sa baha-bahaging halalan, pinaglalabanan lamang ang isang bahagi ng mga puwestong lehislatibo sa isang takdang panahon.[48] Lumitaw ang ganitong pamamaraan mula sa kahirapan ng junta na mapanatili ang kanilang kontrol sa mga teritoryong hawak ng mga armadong etnikong grupo at mga puwersang naghihimagsik, kung kaya’t hindi kakayaning maglunsad ng pambansang halalan.[49] Inaasahang mas mahahati ang mga puwesto sa pamamagitan nito at makikinabang ang militar at mga alyado nitong partido dahil makakakuha sila ng mas maraming puwesto kaysa sa nakaraang sistema.[50]
Pinahina ng mga pagbabagong ito ang roadmap na binuo ng SAC para maibalik ang istabilidad at pamamahala matapos ang kudeta, na nagbibigay-diin sa kapayapaan, diyalogong pulitikal, pagbangon ng ekonomiya, pambansang pagkakasundo at halalan sa kalaunan.[51]
Sa pamamagitan ng hindi pagpapalahok o paglimita sa partisipasyon ng oposisyon, partikular ng NLD, at pagmanipula sa mga patakaran sa halalan, natitiyak ng junta na tanging mga kinatawan lamang nito ang tunay na may pag-asang magwagi ng mga puwesto.[52] Higit pang pinatibay ng paggamit ng proporsyonal na representasyon at ng kawalan ng mga susing grupong oposisyon ang pamamayagpag ng mga paksyong maka-militar sa parliyamento.[53] Gayunman, walang katiyakan ang tila istabilidad na ito sa pulitika; sa halip, maaar nitong mapalala ang mga hidwaan dahil nagpapatuloy sa paglaban sa naghaharing junta ang mga puwersang naghihimagsik at mga grupong etniko.[54]

Kongklusyon
Mula kudeta noong 2021, isa sa mga pangunahing estratehiya ng militar ng Myanmar ang ipakita sa rehiyon ng ASEAN at sa internasyunal na komunidad ang mga pagsisikap nito para tugunan ang umano’y dayaan sa botohan noong pangkalahatang halalan 2020. Sinubok nilang makakuha ng lehitimasyon sa pamamagitan ng mga hakbanging ligal at administratibo sa pamamagitan ng paglulunsad muli ng halalan. Gayunman, itinatampok ng mga kaganapan mula noong kudeta ang isang nakababagabag na kalakaran: sistematikong nilalansag ng junta ang mga ganansyang demokratiko, sinusupil ang oposisyon, at pinahihina ang mga internasyunal na pamantayang elektoral. Kabilang dito ang pagmanipula sa ligal na balangkas na pumapatnubay sa halalan, pagpapahina sa mga pamantayan para sa malaya at patas na halalan, at paghihigpit sa indipendyeteng pagmamasid sa halalan. Bilang resulta, nagtatatag ang militar ng isang sistemang elektoral na walang integridad, direkta o di-direkta silang nakapaggigiit ng “lehitimasyon” sa pamamagitan ng paggamit ng proxy na partido pulitikal, sa gayon ay nakokonsolida ang kanilang kontrol sa buong bansa.
Sanjay Gathia, Asia Centre
NOTES
[1] San Yamin Aung (2020) ‘Myanmar military claims to find over 70,000 irregularities on voter lists’, The Irrawaddy, at: https://www.irrawaddy.com/election-2020/myanmar-military-claims-find-70000-irregularities-voter-lists.html; Myanmar News Agency (2021) ‘MoFA issues “Press Statement” on current situation of Myanmar’, The Global New Light of Myanmar (GNLM), at: https://www.gnlm.com.mm/mofa-issues-press-statementon-current-situation-of-myanmar.
[2] The Irrawaddy (2021) ‘Myanmar junta officially annuls NLD’s 2020 election win’, The Irrawaddy, at: https://www.irrawaddy.com/news/burma/myanmar-junta-officially-annuls-nlds-2020-election-win.html.
[3] Aljazeera (2021) ‘Full text of Myanmar army statement on state of emergency’, Aljazeera, at: https://www.irrawaddy.com/news/burma/myanmar-junta-officially-annuls-nlds-2020-election-win.html; “Martial Law Order 1/2021” (2021), GNLM, at: https://www.gnlm.com.mm/martial-law-order-1-2021.
[4] The Irrawaddy (2021) ‘Fears of another long dictatorship as Myanmar coup maker appoints himself PM’, The Irrawaddy, at: https://www.irrawaddy.com/news/burma/fears-of-another-long-dictatorship-as-myanmar-coup-maker-appoints-himself-pm.html.
[5] Myanmar International TV (MITV) (2022a) ‘NDSC announcement: Declaration of State of Emergency extended further 6 months’, MITV, at: https://www.myanmaritv.com/news/ndsc-announcement-declaration-state-emergency-extended-further-6-month; Myanmar International TV (MITV) (2022b) ‘NDSC announcement: Declaration of State of Emergency extended further 6 months’, MITV, at: https://www.myanmaritv.com/news/ndsc-announcement-declaration-state-emergency-extended-further-six-months; Eleven (2023) ‘NDSC decides to extend country’s State of Emergency by further six months’, Eleven, at: https://elevenmyanmar.com/news/ndsc-decides-to-extend-countrys-state-of-emergency-by-further-six-months; AP News (2023) ‘Myanmar’s military-led government extends state of emergency, forcing delay in promised election’, https://apnews.com/article/myanmar-military-state-of-emergency-extend-c860a06985f42265088b53c0ea80029e; AFP (2024) ‘Myanmar junta extends state of emergency by 6 months’, New Straits Times, at: https://www.nst.com.my/world/world/2024/01/1008253/myanmar-junta-extends-state-emergency-6-months; The Irrawaddy (2024) ‘Myanmar’s dictator extends Emergency Rule again, citing election preparations’, at: https://www.irrawaddy.com/news/politics/myanmars-dictator-extends-emergency-rule-again-citing-election-preparations.html.
[6] Reuters (2024) ‘Myanmar junta extends emergency rule amid escalating conflict’, Reuters, at: https://www.reuters.com/world/asia-pacific/myanmar-military-extends-emergency-rule-another-6-months-2024-07-31.
[7] Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) Myanmar Team (2021) ‘Myanmar in Crisis: Human Rights Situation, February 2021’, OHCHR, at: https://bangkok.ohchr.org/5902-2; VOA News (2021) ‘Myanmar Junta forms Caretaker Government; Min Aung Hlaing is Prime Minister’, VOA News, at: https://www.voanews.com/a/east-asia-pacific_myanmar-junta-forms-caretaker-government-min-aung-hlaing-prime-minister/6209015.html.
[8] Mikael Gravers (2021) ‘Making sense of Myanmar’s coup’, East Asia Forum, at: https://eastasiaforum.org/2021/02/02/making-sense-of-myanmars-coup; Office of the State Administration Council (nd.) ‘State Administration Council’, Office of the State Administration Council, at: https://sacoffice.gov.mm/en/stateadministration.
[9] Htet Aung (2007) ‘Burma’s rigged road map to democracy’, The Irrawaddy, at: https://www2.irrawaddy.com/article.php?art_id=8052.
[10] Government of Myanmar (2023) ‘Road Map to Democracy in Myanmar’, Government of Myanmar via Way Back Machine, at: https://web.archive.org/web/20101024033536/http://www.myanmar.gov.mm/Perspective/persp2003/8-2003/map.htm.
[11] United Nations (2003) ‘Myanmar’s seven-step peace process not inclusive, lacks timeline – Annan’, United Nations, at: https://news.un.org/en/story/2003/11/85072-myanmars-seven-step-peace-process-not-inclusive-lacks-timeline-annan.
[12] W. Elliot Bulmer (2022) A New Constitution for Myanmar: Towards Consensus on an Inclusive Federal Democracy, International Institute for Democracy and Electoral Assistanc (International IDEA), at: https://www.idea.int/sites/default/files/publications/a-new-constitution-for-myanmar.pdf
[13] Ibid.; Gilles Saphy and Michael Lidauer (2022) ‘Elections At a Crossing Point: Considerations for Electoral Design in Post-Coup Myanmar’, International IDEA, at: https://www.idea.int/sites/default/files/publications/elections-at-a-crossing-point-electoral-design-in-postcoup-myanmar.pdf.
[14] Myanmar Election Watch (nd.) ‘History of Elections in Myanmar’, Myanmar Election Watch, at: https://myanmarelectionwatch.org/en/history-of-elections-in-myanmar.
[15] Aung San Suu Kyi (2010) ‘Burmese election won by military-backed party’, The Guardian, at: https://www.theguardian.com/world/2010/nov/09/burma-usdp-wins-election.
[16] Nehginpao Kipgen (2009) ‘Reconciliation Myanmar needs’, The Korea Times, at: https://www.koreatimes.co.kr/www/news/opinon/2009/12/137_58118.html.
[17] BBC News (2015) ‘Timeline: Reforms in Myanmar’, BBC News, at: https://www.bbc.com/news/world-asia-16546688.
[18] Ibid.
[19] Michael F. Martin (2012) ‘Burma’s April Parliamentary By-Elections’, Congressional Research Service, US Congress, at: https://crsreports.congress.gov/product/pdf/R/R42438/8; Tin Maung Maung Than (2013) ‘Myanmar’s 2012 By-Elections: The Return of NLD’, Southeast Asian Affairs: 204–219, at: http://www.jstor.org/stable/23471145.
[20] Nakanishi Yoshihiro and Osada Noriyuki (2015) ‘The 2015 Myanmar General Election: A Historic Victory for the National League for Democracy’, Institute of Developing Economies, Japan External Trade Organization, at: https://www.ide.go.jp/library/English/Research/Region/Asia/pdf/201601_osada_en.pdf.
[21] Jonah Fisher (2015) ‘Myanmar’s 2015 landmark elections explained’, BBC News, at: https://www.bbc.com/news/world-asia-33547036.
[22] Avery Davis-Roberts (2017) Myanmar: 2015 General Elections Final Election Report, The Carter Center, at: https://www.cartercenter.org/resources/pdfs/news/peace_publications/election_reports/myanmar-2015-final.pdf.
[23] Ibid.
[24] International Foundation for Electoral System (nd.) ‘ADR Case Study: Myanmar’, International Foundation for Electoral System, at: https://www.ifes.org/adr-case-study-myanmar; Hsu Mon Aung (2018) ‘Reforming municipal elections in Myanmar’, International IDEA, at: https://www.idea.int/news/reforming-municipal-elections-myanmar.
[25] Union Election Commission (UEC) (2020) ‘၂၀၂၀ ပြည့်နှစ် ပါတီစုံဒီမိုကရေစီအထွေထွေရွေးကောက်ပွဲ ရလဒ်များ ထုတ်ပြန်ပြီးစီးကြောင်း အသိပေးကြေညာခြင်း [Announcement – Results of the 2020 Multi-party Democratic General Election]’, UEC, at: https://www.uec.gov.mm/news_preview_detail.php?action=news_detail&news_id=cC%2FMl34obsrydRAr00ukbCZSuEksJjy6RHXX9Uv2lyU%3D
[26] “Martial Law Order 1/2021” (2021), GNLM, at: https://www.gnlm.com.mm/martial-law-order-1-2021.
[27] “Martial Law Order 2/2021” (2021), GNLM, at: https://www.gnlm.com.mm/martial-law-order-2-2021.
[28] “Martial Law Order 3/2021” (2021), GNLM, at: https://www.gnlm.com.mm/martial-law-order-3-2021.
[29] Human Rights Watch (2023) ‘“Our Numbers Are Dwindling”: Myanmar’s post-coup crackdown on lawyers’, Human Rights Watch, at: https://www.hrw.org/report/2023/06/08/our-numbers-are-dwindling/myanmars-post-coup-crackdown-lawyers.
[30] The Irrawaddy (2021) ‘Myanmar junta officially annuls NLD’s 2020 election win.
[31] Reuters (2021) ‘Myanmar’s NLD says offices raided in “unlawful acts”, computers, documents seized’, Reuters, at: https://www.reuters.com/world/asia-pacific/myanmars-nld-says-offices-raided-unlawful-acts-computers-documents-seized-2021-02-03.
[32] RFA Burmese (2023) ‘Nearly 2,000 NLD party members jailed under Myanmar junta’, Radio Free Asia, at: https://www.rfa.org/english/news/myanmar/nld-09272023165502.html.
[33] The Irrawaddy (2023) ‘Myanmar’s ousted NLD says 93 members killed, 1,200 detained by junta’, The Irrawaddy, at: https://www.irrawaddy.com/news/burma/myanmars-ousted-nld-says-93-members-killed-1200-detained-by-junta.html.
[34] Rebecca Ratcliffe (2021) ‘Myanmar: Aung San Suu Kyi charged with election fraud and “lawless actions”’, The Guardian, at: https://www.theguardian.com/world/2021/nov/16/myanmar-aung-san-suu-kyi-charged-with-election-and-lawless-actions.
[35] Ratcliffe (2021) ‘Myanmar: Aung San Suu Kyi charged with election fraud’.
[36] The Irrawaddy (2023) ‘Myanmar regime to charge 2020 election local officials’, The Irrawaddy, at: https://www.irrawaddy.com/news/burma/myanmars-ousted-nld-says-93-members-killed-1200-detained-by-junta.html.
[37] The Irrawaddy (2022) ‘Myanmar regime jails former election chief and his staff’, The Irrawaddy, at: https://www.irrawaddy.com/news/burma/myanmar-regime-jails-former-election-chief-and-his-staff.html.
[38] Myanmar Now (2021) ‘Myanmar coup leader considers shift to electoral system favoured by military’, Myanmar Now, at: https://myanmar-now.org/en/news/myanmar-coup-leader-considers-shift-to-electoral-system-favoured-by-military; U Win (2023) ‘Proportional Representation in Myanmar? A View from In-Country by U Win’, Opposition International, at: https://opposition.international/2023/01/31/proportional-representation-in-myanmar-a-view-from-in-country-by-u-win.
[39] Asian Network for Free Elections (ANFREL) (2022) ‘Myanmar’s junta switch to PR system beneficial only to them’, ANFREL, at: https://anfrel.org/myanmars-junta-switch-to-pr-system-beneficial-only-to-them; Lidauer (2022) ‘Elections At a Crossing Point: Considerations for Electoral Design in Post-Coup Myanmar’.
[40] Andrew Nachemsom and Frontier (2022) ‘Rigging the system: the junta’s PR makeover’, Frontier Myanmar, at: https://www.frontiermyanmar.net/en/rigging-the-system-the-juntas-pr-makeover.
[41] “Political Parties Registration Law” (2023), Myanmar Digital News, at: https://www.mdn.gov.mm/en/political-parties-registration-law.
[42] “ Law Amending the Political Parties Registration Law (State Administration Council Law No 15/2024)” (2024), Ministry of Information, at: https://www.moi.gov.mm/moi:eng/news/12913.
[43] Aljazeera (2022) ‘Myanmar court sentences ex-politician to 173 years in prison’, Aljazeera, at: https://www.aljazeera.com/news/2022/11/3/myanmar-court-sentences-ex-lawmaker-to-173-years-in-prison; RFA Burmese (2023) ‘Myanmar’s opposition party refuses to re-register under new junta law’, Radio Free Asia, at: https://www.rfa.org/english/news/myanmar/myanmar-party-refuses-02062023193308.html.
[44] Myanmar Election Watch (2024) ‘Updated: List of Political Parties Abolished by Myanmar Junta-Appointed Union Election Commission’, Myanmar Election Watch, at: https://myanmarelectionwatch.org/mm/news/updated-list-political-parties-abolished-dissolved-myanmar-junta-union-election-commission.
[45] RFA Burmese (2023) ‘Myanmar’s opposition party refuses to re-register under new junta law’.
[46] DW (2021) ‘Myanmar junta designates shadow government as “terrorists”’, DW, at: https://www.dw.com/en/myanmar-junta-designates-shadow-government-as-terrorist-group/a-57473057.
[47] Priscilla A. Clapp and Ye Myo Hein (2022) ‘In Myanmar, sham elections aren’t the path to stability’, United States Institute of Peace, at: https://www.usip.org/publications/2022/10/myanmar-sham-elections-arent-path-stability.
[48] Naw Gladys Maung Maung (2021) ‘Burma’s Electoral System Change and Proportional Representation’, Salween Institute for Public Policy, at: https://www.salweeninstitute.org/uploads/1/2/6/3/12630752/si-proportional-representation-gladys-eng-full.pdf.
[49] RFA Burmese (2024) ‘Myanmar junta commits to staggered 2025 election’, Radio Free Asia, at: https://www.rfa.org/english/news/myanmar/election-2025-08262024083618.html.
[50] Mi Kun Chan Non and Ashley South (2024) ‘Don’t fall for the fake election in Myanmar’, East Asia Forum, at: https://eastasiaforum.org/2024/10/11/dont-fall-for-the-fake-election-in-myanmar.
[51] Ministry of Information (MOI) (2021) ‘Five-Point Road Map of the State Administration Council’, MOI, at: https://www.moi.gov.mm/moi:eng/news/3631.
[52] Bangkok Post (2023) ‘Myanmar elections “likely” in 2025’, Bangkok Post, at: https://www.bangkokpost.com/world/2641903/myanmar-elections-likely-in-2025.
[53] Nu Tsen Mun (2020) ‘Electoral System at a Crossroads: Recalculation of the 2015 Election Results under the Proportional Representation System’,The Salween Institute for Public Policy, at: https://www.salweeninstitute.org/uploads/1/2/6/3/12630752/sipp_electrolsystem-at-a-crossroad-english.pdf; Transnational Institute (2020) ‘The 2020 General Election in Myanmar: A Time for Ethnic Reflection’, Myanmar Policy Briefing 24, Transnational Institute, at: https://www.tni.org/files/publication-downloads/myanmar_policy_briefing_24_the_2020_general_election_in_myanmar.pdf.
[54] Joshua Kurlantzick (2023) ‘War-torn Myanmar plans to hold elections: Will they have any effect?’, Council on Foreign Relations, at: https://www.cfr.org/article/war-torn-myanmar-plans-hold-elections-will-they-have-any-effect.