Sa pamumuno ng People’s Action Party (PAP), naging isang-partidong estado ang Singapore mula nang isagawa ang unang eleksyong parlyamentaryo sa bansa matapos makamit ang kalayaan noong 1968. Palagiang inuuri ng Freedom House ang siyudad-estado bilang ‘di-lahatang malaya’ mula pa sa unang kalagayan nito noong 1973.[i] Mula 2006 hanggang 2013, inilarawan ito bilang isang ‘hybrid regimen’ ng Economist’s Intelligence Unit at kalauna’y bilang isang ‘flawed democracy’ (2014 to 2021).[ii] Malubhang pinaghihigpitan ang kalayaan sa pamamahayag sa Singapore, na minarkahan ng Reporters Without Borders (RSF) sa 2021 World Press Freedom Index bilang isa sa pinakamasahol sa mundo na may ranggong 160/180.[iii]
Sa paglaganap ng internet mula huling bahagi ng dekada 1990 hanggang 2010, lalong nahirapan ang PAP at mga kapanalig nito na hubugin ang naratibong politikal dahil sa pagkabawas ng kapangyarihan at impluwensya ng mainstream media. Dahil dito, lumipat ang pokus sa pagpuksa sa mga alternatibong naratibo online sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas na mamamahala sa online contents; resulta nito ang paghina ng mga kalayaan sa internet at karapatang digital, at paglakas ng awtoritaryanismong digital sa mga nakaraang huling taon. Matatagpuan sa ‘Freedom on the Net’ index ng Freedom House ang kantitatibong pagsukat sa deteryorasyong ito kungsaan inihanay ang bansa sa ika-59 puwesto mula sa 100 noong 2016, at ika-54 mula sa 100 noong 2021.[iv]
Sinisiyasat ng artikulong ito ang kasalukuyang kalagayan ng ‘awtoritaryanismong digital’ sa Singapore: ang paggamit ng mga batas, paniniktik ng estado, at trolling ng mga maka-PAP para dominahan ang mga diskusyon sa larangang digital ng bansa at para manipulahin ang daloy ng impormasyon sa populasyon ng siyudad-estado. Ikinakatwiran nitong samantalang narerendahan nito ang mga katunggali sa politika sa kagyat, lumalaki naman ang bilang ng mamamayang naaapektuhan ng mga malupit na hakbangin ng PAP, at namumuo ito bilang base ng potensyal na pagbabago sa rehimen sa hinaharap.
Mga Pagsulong sa Awtoritaryanismong Digital
Sa pagpapasa ng mga bagong batas na namamahala sa larangang digital, layunin ng administrasyong PAP na higpitan ang online na pamamahayag, na umunlad sa walang kaparis na paglakas ng social media sa huling bahagi ng dekada 2000 at nagpatuloy sa dekada 2010. Nakita rin sa panahong ito ang pinakamasahol na pagganap ng PAP sa halalan: ang pangkalahatang halalan ng 2022;[v] kungsaan matapos nito ay pinag-ibayo ang mga hakbangin kaugnay ng pagsensura at daloy ng impormasyon.
Talahanayan 1: Mga Susing Digital na Lehislasyon sa Singapore
Constitution Parliament can impose restrictions as it considers necessary or expedient on the freedom of speech and expression for national security, friendly relations with other countries, public order, morality, to protect privileges of Parliament and against contempt of court, defamation or incitement to any offence.
Defamation Definition: harming, with intention or having reason to believe that it will harm, a reputation of a person. ‘Harming of reputation’ is explained as an act of lowering the moral, intellectual character or merit of one, or causing it to be believed that the body of that person is loathsome or generally disgraceful.
Punishment: imprisonment ≤ 2 yrs; fine; or both
IMDA Act IMDA is given the following functions: promote the information, communications and media industry; regulate the telecommunication systems and services; ensure that the content is not against the public interest, public order or national harmony
Broadcasting Act Gives power to IMDA to specify conditions for granting licences (Art. 5, 9) and demand any material intended for broadcasting (Art. 16, 17)
POFMA Fine of ≤ 50,000 SGD (≤ 36,975 USD) for communicating falsehoods or statements that undermine the security of Singapore, diminish public confidence in Government, etc.
‘Directions’ can also be issued by government Ministers: Correction, Stop Communication, Disable Access, etc.
Ministers can direct IMDA to order ISPs to disable access should they not comply with Direction notices.
Sentral sa pamamahala ng digital content sa siyudad-estado ang Infocomm Media Development Authority (IMDA) na itinatag matapos ang halalang 2015.[vi] Resulta ang IMDA ng kalipunan ng mga bagong batas at regulasyon kaugnay sa midya at pagpapalaganap ng impormasyon. Dahil rito, nabigyan ng masaklaw na kapangyarihan ang awtoridad para: tukuyin ang mga kondisyon sa pagbibigay ng lisensya sa pagsasahimpapawid;[vii] gumawa ng aksyon kaugnay ng mga nilalaman at programa na isinasalang o isasalang sa himpapawid (sa internet at social media);[viii] at maghatol kung anong nilalaman ang ituturing na banta sa kaayusang publiko, panlipunang pagkakaisa at pambansang seguridad.
Bago maganap ang pangkalahatang halalang 2020, isinabatas pa ng administrasyong PAP ang Protection from Online Falsehoods and Manipulation Act (POFMA) na siyang naging responsable sa pagpapatahimik ng mga kritiko at mga tinig ng pagtutol sa balatkayo ng pamamahala sa ‘fake news’ sa bansa. Makikita ang katangiang awtoritaryan ng batas sa labis na malupit na kaparusahan para sa pagpapakalat ng fake news at di-buong katotohanan, sinasadya man o hindi. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang administrasyong PAP para manipulahin ang daloy ng impormasyon na pabor sa kanila at laban sa mga aktor na wala sa pamahalaan na tumutunggali sa kanila.[ix] Binigyan rin ang staff nito ng likas na tungkuling hudisyal na suriin kung aling balita ang ‘peke’ at alin ang nakapanlilito. Nakabatay ang abilidad na magsampa ng apela sa korte laban sa mga kautusan ng POFMA sa pasya ng pamahalaan kung aaprubahan nito ang apela o hindi.
Para bigyang-katwiran ang malawakang paniniktik, ginamit ang kaparehong argumento na kailangang panatilihin ang istabilidad at pagkakasundo anuman ang kabayaran nito, na siyang ginagamit na dahilan sa pag-iral ng IMDA at POFMA.[x] Sinusuportahan ng kapangyarihan ng ehekutibo ang mga sistema ng malawakang paniniktik sa Singapore para tasahin at bigyan ng ligal na interpretasyon ang mga banta sa pambansang seguridad, at dagdag pa rito ang kawalan ng mga ligal na balakid para higpitan ang pag-abuso sa kapangyarihan. Pinaka-kritikal ang pagtatanggal ng karapatan sa privacy na nagpapahintulot sa pamahalaan na mag sign off sa operasyong paniniktik, nang hindi kinakailangang humingi ng paunang awtorisasyon mula sa korte.
Samantalang walang opisyal na rekord ang Sinagore ng saklaw ng kakayahan sa paniniktik, pinansin ng US State Department na ang Singapore ay may ‘malawak na network’ ng ‘lubhang sopistikadong kapabilidad [para] … magsagawa ng paniniktik … [sa] komunikasyong digital na dapat ay nananatiling pribado’.[xi] Halimbawa, para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, sinimulan ng pamahalaan ang paggamit ng app na ‘TraceTogether’ para sa contact-tracing. Noong Enero 2021, inihayag na madaling ma-akses ng Singapore Police Force (SPF) ang database na naglalaman ng mga datos sa app para sa pag-iimbestiga ng mga krimen.[xii] Naipasa lamang ang panukalang batas na layong maglimita sa paggamit ng gayung mga kapabilidad sa pagtunton matapos maghayag ng pag-aalala ang marami hinggil sa malawakang paniniktik sa bansa noong 2021.[xiii]
Inilantad rin ng isang dokumentong inilabas ni Edward Snowden ang paggamit ng mga kapabilidad sa paniniktik, kasangkapan sa pag-hack, at spyware. Ayon rito, kayang iakses ng mga awtoridad ng Singapore ang mga datos na dumadaan sa mga kable ng internet sa ilalim ng karagatan na bumabagtas mula Silangang Asya, dumadaan sa Singapore at papuntang Europa.[xiv] Sa taon ring ito, lumalabas na aktibong kliyente ng kahiya-hiyang Italyanong kumpanya sa pag-hack at paniniktik na ‘Hacking Team’ ang IMDA.[xv] Sa isinumite nito sa UPR noong 2017, iniulat rin ng Privacy International ang presensya ng ‘PacketShaper’ na ginagamit ng bansa noong panahong iyon, isang sistema ng paniniktik at pag-monitor ng naka-encrypt na nilalaman. Pinansin rin nito na host ang estado ng Singapore sa isang server para sa sistemang malware na ‘Finspy’.[xvi] Kamakailan lamang, naglathala ang Reuters ng isang ulat noong Pebrero 2022 na nagsasabing ginagamit ng pamahalaang Singapore ang ‘QuaDream’, isang developer ng mga kasangkapan sa hacking na nakabase sa Israel.[xvii] Nailantad sa pambansang atensyon ang usapin nang sinabi ng tagapangulo ng Workers’ Party na si Sylvia Lim sa isang sesyon ng parliyamento noong Pebrero 2022 na ipinaabot sa kanya ng Apple na saklaw ang kanyang iPhone ng pag-hack ng mga taga-atakeng itinataguyod ng estado.[xviii]
Sinusuportahan ang gayung mga kapabilidad ng pisikal na imprastraktura sa paniniktik sa bansa, gaya ng 90,000 o higit pang CCTV camera sa buong bansa. Ang mga inangkat mula sa China na mga camera na nakakakilala ng mukha na nakatanim sa mga poste ng ilaw sa buong bansa ay nakatuon sa paglikha ng crowd analytics bilang suporta sa ‘mga operasyong anti-terorista.[xix] Tumatampok ngayon ang katanungang hanggang saan ang handang gawing pamumuhunan ng adminsitrasyong PAP sa imprastrakturang high-tech para subaybayan ang mamamayan nito; at hanggang saan ito makikipagtulungan sa iba pang awtoritaryan gaya ng China para maisagawa ito.
Pag-target sa Civil Society at mga Partidong Oposisyon
Kilala ang IMDA at ang inisyatiba sa fact-checking na pinagagana ng pamahalaan sa ilalim ng POFMA sa pag-target sa mga personahe ng oposiyon at mga kritiko.[xx] Pagsapit ng Pebrero 2022, nagamit na ang POFMA sa 13 magkakahiwalay na okasyon para i-target ang mga politikong hindi kapanalig ng PAP, mga aktibista at nagtatanggol sa karapatang pantao, at mga platapormang nagbabalita online.[xxi] Nakita sa panahon ng kampanya para sa 2020 pangkalahatang halalan ang pagtaas ng paggamit sa POFMA.[xxii] Samantalang tunay na nagagamit ang POFMA bilang isang epektibong sistema sa fact-checking at nakapagbibigay ng impormasyon para linawin ang mga maling pag-unawa sa mga patakaran ng pamahalaan, ang praktikal na pagtatago ng impormasyon at ang paggamit ng POFMA para gumawa ng mga hakbang laban sa mga katunggali sa politika at mga alagad ng midya ay nagtatanim ng kultura ng kusang-pagsesensura sa hanay ng mga tumutuligsa o tumutunggali sa PAP.[xxiii]
Naging aktibo rin ang IMDA sa pag-target sa mga nilalaman at mga lumilikha ng nilalaman na sa tingin nito’y banta sa panlipunang pagkakaisa. Sa isang kaso, hinarang nito ang isang website na naglalaman ng anito’y walang-sapat-na-batayang artikulo hinggil sa pagkakasangkot ni PM Lee Hsien Loong sa 1MDB Scandal, dahil pinahihina umano nito ang kumpyansa ng publiko sa pamahalaang Singaporean.[xxiv] Noong Hulyo 2019, hinarangan ang akses sa isang video ng protestang rap na tumutuligsa sa pagturing sa mga minorya sa bansa.[xxv]
Gumamit rin ang IMDA ng iba’t-ibang lehislasyon mula sa arsenal nito. Halimbawa, tuluy-tuloy na naging target ng IMDA ang The Online Citizen. Noong Disyembre 2018, binigyan ito ng notipikasyon na hindi na ito maaaring tumanggap ng mga donasyon mula sa mga ‘hindi beripikadong lokal na pinagmumulan’ sa pamamagitan ng modelo nito sa subskripsyon, at kailangan nitong mag-ulat taun-taon sa IMDA hinggil sa pinansya nito dahil ‘maaaring maging daluyan ito ng dayuhang impluwensya’. Noong 2021, pinasuspinde ng IMDA ang lisensya nito.[xxvi] Bago nito, nagpasa ang IMDA ng ulat ng kriminal na paninirang-puri laban kay Terry Xu, ang editor ng website, dahil sa pag-post nito noong Setyembre 2021 ng isang bukas na liham ng isang mambabasa na nagsasabing may ‘korupsyon sa pinakamatataas na antas’ ng naghaharing partido.[xxvii] Lumabas ang ulat na ito matapos sumunod si Xu sa kautusan ng IMDA na tanggalin ang post. Kalaunan, hinatulang nagkasala ng paninirang-puri noong Nobyembre 2021 sina Terry Xu at ang sumulat ng liham na si Daniel De Costa Augustin.[xxviii] Habang dinidinig ang kaso, iginiit ng prosekusyon na ginawa ang akto nang may malisyosong layunin na siraan ang reputasyon ng pamahalaan.[xxix]
Humiling rin ang administrasyon sa Meta (Facebook) ng datos ng mga gumagamit, sa average na 1500 kahilingan sa bawat taon sa nakaraang tatlong taon, na mas mataas kaysa pandaigdigang average na 1100, at mas marami kaysa pinagsama-samang kahilingan mula sa lahat ng natitirang bahagi pa ng Timog-Silangang Asya.[xxx] Bagaman mas kakaunti kaysa Facebook, humihiling rin ng impormasyon ang pamahalaang Singapore mula sa Twitter,[xxxi] Microsoft,[xxxii] at Google[xxxiii].
Bagaman noong una ay tahimik ang mga kumpanyang ito hinggil sa kanilang mga kritisismo, lumabas ang kanilang mga hinaing sa panahong ipinapasa ang POFMA. Sinabi ng Google na pipinsalain ng batas ang inobasyon at pag-unlad ng digital information ecosystem ng bansa. Ipinaalala ng Facebook sa administrasyong PAP ang pangako nitong magkakaroon ng proporsyonal at sukat na paraan sa paggamit ng POFMA.[xxxiv] Gayunman, matapos na mapilitan itong harangan ang akses sa State Times’ Review dahil sa utos ng POFMA, nagpahayag ng pagkayamot sa batas ang Facebook at sinabing hindi patas ang mga hakbang at ginagamit ang POFMA bilang kasangkapan sa pagsesensura.[xxxv]
Bagaman sinasabi ng pamahalaan na nagtataguyod ito ng matatayog na mithiin gaya ng ‘katotohanan’ at ‘panlipunang pagkakaisa’, hindi pinupuna ng administrasyong PAP kapag sinasadya ng mga tagasuporta nila at ng mga troll na maka-PAP na magpakalat ng nakapanlilito o walang katotohanang mga impormasyong pabor sa pamahalaan. Bahagi ang mga tinaguriang ‘Internet Brigades (IBs)’ na ito na cyber strategy ng adminsitrasyon sa pagharap sa mga online na kristismo, binibigyang-katwiran na kailangan ito para magkaroon ng boses ang partido sa loob ng cyberspace na anti-gobyerno.[xxxvi]
Noong Hunyo 2020, isinara ng Facebook ang maka-PAP na Facebook page na ‘Fabrications About the PAP’ (250,000 followers), na binuo bilang tugon sa mga website na anti-gobyerno.[xxxvii] Gayunpaman, isang Facebook page na ‘Fabrications About the PAP’ pa ang binuo at nakaipon ito ng may 5,500 na (followers) mula noon. Regular pa rin na naglalabas ang page na ito ng mga maka-PAP na balita at bidyo, na sinasabi ng maraming kritiko na hindi makatotohanan ang ilan sa mga nilalaman.[xxxviii]
Isa pang plataporma ang Singapore Matters[xxxix] na nagtataguyod ng mga kasapi ng administrasyong PAP at naguulit-ulit ng mga negatibong paglalarawan ng mainstream media sa mga kasapi ng civil society, indipendyenteng online media, at partidong oposisyon. Hindi hinarang sa ilalim ng POFMA ang mga page na ito para sa kanilang ng mga di-makatotohanang pahayag at hindi nakasuhan ng harassment ang mga may-ari nito sa ilalim ng mga batas hinggil sa impormasyon o midya na pinamamahalaan ng IMDA.
Konklusyon
Tinutulungan ng POFMA, mga batas sa ilalim ng pamamahala ng IMDA, at iba pang batas, ang PAP na hadlangan ang mga plataporma sa internet at social media na magsilbing plataporma para sa mga kontra-naratibo. Dagdag pa, pinipigilan ng mga batas at institusyong ito ang mga pagtunggali sa negatibong paglalarawan ng PAP sa civil society, indipendyenteng online media at partidong oposisyon. Kasabay nito, ginamit na rin ng PAP at mga tagasuporta nito ang mga plataporma sa internet at social media para lumikha ng mga website at mga account sa social media para maghatid ng pinsala sa reputasyon ng mga kalaban nila sa politika. Tunay ang banta sa demokratikong pag-unlad sa syudad-estado sa ilalim ng administrasyong PAP, gayunman, lumaki sa nakaraang huling dekada ang bilang ng mga alternatibong aktor. Ang tuluy-tuloy na harassment at pag-usig sa civil society, indipendyenteng online media, at mga partidong oposisyon ay nagdulot ng paglawak at paglakas ng grupo ng mga tumututol. Kung kaya, sa kabila ng paglakas ng awtoritaryanismong digital sa Singapore, nailatag na sa Singapore at nakatakdang lumaki ang mga pundasyon ng isang alyansa para tunggalian ang rehimeng PAP.
James Gomez
Regional Director at Asia Centre
Banner: Singapore, May 2022. A circle of 6 cameras CCTV outside a building in Singapore. Bima Eriarha, Shutterstock
Notes –
[i] Freedom House, ‘Freedom in the World’, Freedom House, 2022,
https://freedomhouse.org/report/freedom-world.
[ii] Economist Intelligence Unit, Democracy Index 2021: The China Challenge (Economist Intelligence Unit, 2022), https://www.eiu.com/n/campaigns/democracy-index-2021.
[iii] RSF ‘2021 World Press Freedom Index: Singapore’, Reporters Without Borders, 2011, https://rsf.org/en/ranking.
[iv] Freedom House, ‘Freedom on the Net’, Freedom House, 2022, https://freedomhouse.org/report/freedom-net.
[v] Institute of Policy Studies, Singapore, ‘POPS (5) Presidential Election Survey 2011’, Lee Kuan Yew School of Public Policy, 2011, https://lkyspp.nus.edu.sg/docs/default-source/ips/pops-5_slides_0911.pdf.
[vi] IMDA was created as a restructuring and merger of the Infocomm Development Authority (IDA) and Media Development Authority (MDA)
[vii] Law Revision Commission, ‘Info-Communications Media Development Authority Act 2016’, Singapore’s Attorney-General’s Chamber, 1 April 2022, https://sso.agc.gov.sg/Act/IMDAA2016.
[viii] Law Revision Commission, ‘Broadcasting Act 1994’, Singapore’s Attorney-General’s Chamber, 18 April 2022, https://sso.agc.gov.sg/Act/BA1994.
[ix] Aqil Haziq Mahmud and Tang See Kit (2019) ‘“Very onerous” process to challenge order on content deemed as online falsehood: Sylvia Lim’, Channel News Asia, 8 May 2019,
www.channelnewsasia.com/singapore/online-falsehoods-bill-workers-party-onerous-appeal-process-877101.
[x] Shane Harris, ‘The Social Laboratory’, Foreign Policy, 29 July 2014, https://foreignpolicy.com/2014/07/29/the-social-laboratory.
[xi] Bureau of Democracy, Human Rights and Labor, Singapore 2015 Human Rights Report (United States Department of State, 2015), 8, https://2009-2017.state.gov/documents/organization/253009.pdf.
[xii] Matthew Mohan, ‘Singapore Police Force can obtain TraceTogether data for criminal investigations: Desmond Tan’, Channel News Asia, 4 January 2021,
https://www.channelnewsasia.com/singapore/singapore-police-force-can-obtain-tracetogether-data-covid-19-384316.
[xiii] Kenny Chee, ‘Bill limiting police use of TraceTogether data to serious crimes passed’, The Straits Times, 2 February 2021,
https://www.straitstimes.com/singapore/politics/bill-limiting-use-of-tracetogether-for-serious-crimes-passed-with-govt-assurances.
[xiv] Philip Dorling, ‘Singapore, South Korea revealed as Five Eyes spying partners’, The Sydney Morning Herald, 25 November 2013,
https://www.smh.com.au/technology/singapore-south-korea-revealed-as-five-eyes-spying-partners-20131124-2y433.html.
[xv] Ibid.; Jeanette Tan,‘Does Italian surveillance tech firm Hacking Team sell spy software to Singapore’s IDA?’ Mothership, 7 July 2015,
https://mothership.sg/2015/07/does-italian-surveillance-tech-firm-hacking-team-sell-spy-software-to-singapores-ida.
[xvi] Privacy International, Universal Periodic Review Stakeholder Report: 24th Session, Singapore: The Right to Privacy in Singapore (Privacy International, 2017),
https://privacyinternational.org/sites/default/files/2017-12/Singapore_UPR_PI_submission_FINAL.pdf.
[xvii] Ibid.; Christopher Bing and Raphael Satter, ‘EXCLUSIVE iPhone flaw exploited by second Israeli spy firm-sources’, Reuters, 3 February 2022,
https://www.reuters.com/technology/exclusive-iphone-flaw-exploited-by-second-israeli-spy-firm-sources-2022-02-03.
[xviii] Kenny Chee, ‘WP chairman Sylvia Lim’s phone not hacked by Singapore Govt: Shanmugam’, 19 February 2022,
https://www.straitstimes.com/singapore/politics/wp-chairman-sylvia-lims-phone-not-hacked-by-singapore-govt-shanmugam.
[xix] Steven Feldstein, ‘The Road to Digital Unfreedom: How Artificial Intelligence is Reshaping Repression’, Journal of Democracy 30 (1) (January 2019): 40,
https://carnegieendowment.org/files/201901-Feldstein-JournalOfDemocracy.pdf.
[xx] Lasse Schuldt, ‘Official Truths in a War on Fake News: Governmental Fact-Checking in Malaysia, Singapore, and Thailand’, Journal of Current Southeast Asian Affairs 40(2) (2021): 340-371,
DOI: 10.1177/18681034211008908.
[xxi] Factually, ‘Factually: POFMA’, Government of Singapore, 2022,
https://www.gov.sg/factually?topic=POFMA; POFMA’ed, ‘POFMA’ed Dataset’, POFMA’ed, 24 May 2021, https://pofmaed.com/data/.
[xxii] POFMA’ed (2020) ‘Explainer: What is POFMA?’, POFMA’ed, at: http://pofmaed.com/explainer-what-is-pofma.
[xxiii] See Schuldt, ‘Official Truths in a War on Fake News’.
[xxiv] Freedom House, ‘Freedom on the Net 2021: Singapore’.
[xxv] Ng Huiwen, ‘Police looking into rap video by local YouTube star Preetipls alleged to contain offensive content’, The Straits Times, 30 July 2019,
https://www.straitstimes.com/singapore/police-looking-into-rap-video-by-local-youtube-star-preetipls-allegedly-containing.
[xxvi] Rei Kurohi, ‘The Online Citizen taken offline, ahead of deadline set by IMDA after failure to declare funding’, The Straits Times, 16 September 2021,
https://www.straitstimes.com/singapore/the-online-citizen-goes-dark-ahead-of-deadline-set-by-imda;
Palatino Mong, ‘Singapore’s The Online Citizen news website stops operating after government suspends its license’, The Straits Times, 18 September 2021,
Singapore’s The Online Citizen news website stops operating after government suspends its license
[xxvii] ‘Why The Online Citizen is being investigated for ‘criminal defamation’, Coconuts Singapore, 21 November 2018, https://coconuts.co/singapore/news/online-citizen-investigated-criminal-defamation.
[xxviii] In the same trial, Daniel De Costa Augustin was also convicted of a charge unauthorised access to an email account of an another individual he used to submit the letter.
[xxix] Lydia Lam, ‘The Online Citizen’s Terry Xu and writer convicted of criminal defamation over article calling Cabinet corrupt’, Channel News Asia, 12 November 2021,
https://www.channelnewsasia.com/singapore/online-citizen-toc-terry-xu-editor-writer-criminal-defamation-2308961.
[xxx] ‘Government Requests for User Data’, Meta, 2022, www.transparency.fb.com/data/government-data-requests.
[xxxi] ‘Information Requests’, Twitter, 2022, https://transparency.twitter.com/en/reports/information-requests.html.
[xxxii] ‘Law Enforcement Requests Report’, Microsoft, 2021, https://www.microsoft.com/en-us/corporate-responsibility/law-enforcement-requests-report.
[xxxiii] ‘Global Requests for User Information’, Google Transparency Report, 2021, https://transparencyreport.google.com/user-data/overview.
[xxxiv] Jewel Stolarchuk, ‘Google and Facebook remain concerned over Singapore’s newly-passed fake news law’, The Independent Singapore, 9 May 2019,
www.theindependent.sg/google-and-facebook-remain-concerned-over-singapores-newly-passed-fake-news-law.
[xxxv] Shawn Lim, ‘Facebook expresses censorship concerns after blocking Singapore users’ access to fake news page’, The Drum, 19 February 2020,
https://www.thedrum.com/news/2020/02/19/facebook-expresses-censorship-concerns-after-blocking-singapore-users-access-fake.
[xxxvi] Lu Xueying, ‘PAP moves to counter criticism of party, Govt in cyberspace’, The Straits Times, 3 February 2007; https://bit.ly/36VmC0R; PAPBrigade, ‘About’, PAP Internet Brigade, 2012,
https://papbrigade.tumblr.com/about.
[xxxvii] Aqil Haziq Mahmud, ‘Facebook removes Fabrications About The PAP admin accounts for violating policies’, Channel News Asia, 28 June 2020,
https://www.channelnewsasia.com/singapore/facebook-removes-fabrications-about-the-pap-accounts-663871.
[xxxviii] Suleiman Daud, ‘PAP GE 2020 candidate says people “misunderstood” why he shared unsubstantiated Fabrications About PAP post about Sarah Bagharib & WP’, Mothership, 18 June 2021, https://mothership.sg/2021/06/shamsul-kamar-sarah-bagharib.
[xxxix] Singapore Matters has a Facebook page with over 85,000 likes and 97,000 followers. See “Singapore Matters”, Facebook, https://www.facebook.com/SingaporeMatters.