Ang National Internet Gateway at ang Kinabukasan ng Awtoritaryanismong Digital sa Cambodia

Robin Ramcharan

Sa kabila ng pag-garantiya sa kalayaan sa pamamahayag sa konstitusyon, nalalapit ang  kumpletong pangingibabaw ng awtoritaryanismo sa Cambodia sa larangang digital dahil sa pagsulpot ng National Internet Gateway (NIG), isang pag-aari ng pamahalaan na internet gateway na mamumuno sa malawakang pagsensura ng sarili sa bansa, at tutulong sa pagkokonsolida ng isang-partidong sistema ng estado sa Cambodia. Nanganganib ang natitira pang labi ng kalayaan sa pamamahayag at espasyo ng civil society para sa aktibismong politikal sa pagbubukas ng nag-iisang Gateway na unang pinlano para sa maagang bahagi ng 2022, bagaman nabalam ito.[i]

Tumaas ang bilang ng populasyon na gumagamit ng internet sa Cambodia mula 0.53% noong 2009 tungong 52.6% (8.86 milyon) noong 2021.[ii] Pagsapit ng 2021, mayroong limang mayor na kumpanya sa telekomunikasyon na nagbibigay ng kapwa land-based at mobile na serbisyong internet sa Cambodia – ang Viettel, Smart Axiata, CamGSM, Xinwei Telecom at Southeast Asia Telecom, na lahat ay mula sa mga bansang may kiling sa awtoritaryanismo[iii] (China, Singapore at Vietnam), at lahat ay may malapit na ugnayan sa pamahalaang Cambodian at sa mga opisyales nito.[iv] Binibigyang-daan nito ang mabilis na kolaborasyon sa pagitan ng mga ISP at mga opisyales ng pamahalaan para i-monitor ang paggamit ng internet, mangharang ng online contents, o “sakalin” ang internet.

Pigura 1: (Larangang Internet ng Cambodia)

Ang Pakete ng Kasangkapang Ligal ng Awtoritaryanismong Digital

Isang hanay ng mga batas ang ginamit para komprontahin ang pagtutol online. Ang nalalapit na pagpapatupad ng NIG, na naglalayong tipunin ang lahat ng trapik ng internet sa isang gateway na pinaaandar ng pamahalaan, ay sasamahan pa ng isang hanay ng mga umiiral na batas: ang Konstitusyon ng Cambodia, ang Kodigong Penal, ang Batas sa Telekomunikasyon, Inter-Ministerial Prakas No.170, at ang borador na Batas sa Cyber-crime.

Marami sa mga probisyon sa mga batas na ito, gaya ng idinetalye sa ulat kamakailan ng Asia Centre,[v] ay lumalabag sa mga internasyunal na pamantayan at tratado sa karapatang pantao na pinagtibay ng Cambodia. Kasama sa mga kritikal na katangian ng mga batas na ito ang: pag-amyenda sa Artikulo 49 ng konstitusyon na nag-uutos ng pagtataguyod sa “pambansang interes”; mga probisyon hinggil sa paninirang-puri sa Kodang Penal na nagpoprotekta sa “dangal at reputasyon ng isang tao o institusyon”; ang kriminal na pagkakasala ng pagpapalaganap  ng “fake news” (Article 425); ang “pagsasabwatan” o “masamang pagbabalak” ng isa o higit pang tao para gumawa ng kriminal na pagkakasala; at ang pag-udyok na gumawa ng mabigat na kasalanan, o gambalain ang panlipunang seguridad (Article 495).[vi] Sinusubaybayan ang mga komunikasyon sa ilalim ng Batas sa Telekomunikasyon (2015),[vii] na nagtatakda ng mga aktor sa pagsubaybay (Artikulo 70 at 71), bawas na proteksyon ng datos (Artikulo 97 at 6) at ang kriminalisasyon ng malayang pamamahayag sa radyo, telebisyon, online, at sa mga pribadong mensahe (Artikulo 80). Ang Inter-Ministerial Prakas (Proklamasyon 170) (2018) hinggil sa ‘Mga Kontrol sa Publikasyon sa Website at Social Media Processing sa pamamagitan ng Internet sa Kaharian ng Cambodia’ ay nagbigay-daan para sa malapit na kolaborasyon sa pagitan ng Ministry of Information, Ministry of the Interior, at ng MPTC para subaybayan ang lahat ng paggamit ng social media. Noong Pebrero 2020, kinuha ang serbisyo ng isang task force sa social media para subaybayan ang lahat ng midya sa Cambodia, kasama na ang social media, na may ligal na awtorisasyon mula sa Prakas.[viii]

Ang paketeng ito ng mga batas ay dinagdagan pa ng borador na Batas sa Cyber-crime, na unang ipinanukala noong 2012 at patuloy na tinatalakay ngayong 2022. Sa layuning pigilan ang cyber-crime, itinatakda nito ang pagpreserba sa lahat ng traffic data hanggang 180 araw. Sa gayon, madaling makahihingi ang RGC ng datos mula sa mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao, at potensyal na sugpuin ang kanilang mga aktibidad, sa pamamagitan ng pag-abuso sa mga datos. Isinasapanganib rin ng bagong borador na batas ang mga whistle-blower. Ginamit rin ang Covid-19 Control Law (March 2021), bagaman isang pansamantalang hakbangin lamang, para patahimikin ang mga kritiko na diumano’y nagpapalaganap ng ‘fake news’ hinggil sa sitwasyon ng COVID-19 at ng bintang ng maling pamamahala ng pamahalaan sa pandemya.

Ang huling piyesa sa awtoritaryan na pakete ng kasangkapang ligal ng Cambodia ay ang National Internet Gateway, isang pambansang “off switch” para sa internet kung kinakailangan.[ix] Sa ngalan ng RCG, magsasagawa ang mga opereytor ng NIG ng digital na paniniktik, na magsisilbing malaking dagok sa kalayaan sa pamamahayag at karapatan sa online privacy. Obligado silang makipagtulungan sa mga kinauukulang awtoridad na umaksyon sa pagharang at pagputol sa lahat ng koneksyon ng network na malubhang nakaka-apekto sa pambansang kita, kaligtasan, kaayusang panlipunan, dignidad, kultura, mga tradisyon at gawi (Artikulo 6), at mag-imbak ng datos at magbigay ng regular na ulat ng kalagayan sa mga awtoridad (Artikulo 14) para “[tiyakin] ang kaligtasan, kaayusang publiko, dignidad, kultura, tradisyon at gawi ng lipunan” (Artikulo 12).

Ilang buwan bago i-anunsyo ang NIG, pinutulan ng kuryente at sinakal ang bilis ng internet sa ilang sambahayan para hadlangan ang kanilang akses sa internet. Bago maganap ang halalan, isinara rin ng mga awtoridad ang mga indipendyente at maka-demokrasyang site ng pagbabalita. Nang itulak ng pandemyang COVID-19 ang paglipat ng mga aktibidad at ugnayan tungo online, isinalaysay sa Asia Centre ng mga organisasyon civil society (CSOs) na may mga pagkakataong may mga di-kilalang “kalahok” na gumagambala sa kanilang mga pulong online.[x]

Noong Pebrero 2022, ipinagpaliban ang implementasyon ng NIG. May mahigpit na pakikipagtulungan sa mga aspetong pinansyal at teknolohikal ang pamahalaang Cambodian sa China.[xi]  Hindi maitatanggi, gaya nang pinuna ng New York Times, na nakikisali ang Cambodia sa listahan ng mga bansang yumakap sa modelong awtoritaryan ng China hinggil sa paniniktik sa internet.[xii] Ginagaya ng Thailand, Vietnam, at Singapore ang modelong ito.[xiii]  Itinulak nito ang mga Cambodian na gumamit ng mga VPN para alpasan ang mga pagkontrol sa internet, bagaman malamang na ipagbawal na rin ang ganitong mga serbisyo sa hinaharap.

Digital na Paniniktik at Panunupil sa Karapatan

Bagaman nakadambana sa Konstitusyon ng Cambodia ang kalayaan sa pamamahayag at sinusuportahan ito ng ratipikasyon ng International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), ang Cambodia ay lumikha ng maraming ligal na hakbangin para sa bantay-saradong espasyong digital, na nagdudulot ng pagkabalisa ng mga kritiko. Umatras tungong pagsensura sa sarili ang mga kritiko at tagapagtanggol ng karapatang pantao na kumakaharap ng mga banta at manipulasyon sa social media, at umurong mula sa mga pakikisangkot sa politika para pangalagaan ang kanilang buhay.

Figure 2: Paniniktik sa Online

Humina ang mga kalayaan sa internet mula pa noong 2009.[xiv] Noong 2021, may 39 Cambodian ang inaresto, ikinulong o nilatagan ng mandamyento para sa diumano’y mga paglabag sa internet na inulat ng mga sensura ng pamahalaan.[xv] Matiyagang idinokumento ng Cambodian Journalists Alliance Association ang panunupil sa mga mamamahayag sa bansa. Inilahad ng kanilang kada-kwartong ulat para sa Hulyo-Setyembre 2021[xvi] ang pagharas sa walong mamamahayag sa pamamagitan ng aksyong ligal, marahas na pagbabanta, detensyon, o pagpipiit dahil sa pag-uulat sa iba’t-ibang paksa, kasama ang usapin ng karapatan sa lupa at COVID-19. Pinuna ng ulat na mula Enero hanggang Abril 2021, pinawalang-bisa ng Information Ministry ang hindi bababa sa 7 lisensiya ng midya kasama ang sa Angkor Today, Live-Daily, San Prum, Phengvannak, Stoengchralpost, Tecchor Youth News, at K01 TV Online — anim sa mga ito ay inakusahang nagpapakalat ng maling impormasyon at nagdulot ng kaguluhan sa pamamagitan ng pag-uulat hinggil sa COVID-19. Noong Agosto 2021, inihayag ng Ministry of Information ang pagbubuo ng Monitoring Committee for Journalism Ethics, na mangangasiwa at mamamahala sa kondukta ng mga propesyunal na midya sa bansa.[xvii]

Sinuhayan ng pribadong industriya sa paniktik ang pagsupil sa mga tumutunggaling tinig. Inilantad ang FinSpy para sa pagbebenta nito ng serbisyo sa pamahalaang Cambodian bago isara ang kumpanya noong Marso 2022.[xviii] Kahalintulad nito, isiniwalat ng ulat ng Reuters na ginamit sa bansa ang programang Pegasus ng NSO.[xix]

Kailangan ring pansinin ang papel ng mga platapormang social media dahil regular na ginagamit ang mga troll at bot para palakasin ang naratibo ng pamahalaan at magpalaganap ng disimpormasyon na naglalayong siraan ang mga kritiko ng pamahalaan at mga tumutunggali sa politika.[xx] Ginagamit ni PM Hun Sen ang FB para pagbantaan ang mga katunggali at magpalaganap ng wika ng pagkamuhi. Nagawa niyang kontrolin ang mga naratibo na kinokonsumo ng populasyong may mababang antas ng literasiyang digital, na nakakatulong para mapagaan ang kanyang paghahari. Kalimitang humahantong ang mga ‘fake news’ na nilikha ng pamahalaan sa artbitraryong pag-aresto, detensyon at pagpipiit.

Figure 3: Manipulasyon ng Social Media

Konklusyon

Ang pagtindi ng awtoritaryanismong digital sa Cambodia ay nagdulot ng paghina ng mga kalayaan sa internet, malaganap na pagsensura sa sarili, pagkakait ng akses sa internet, pagkontrol sa mga naratibo sa eleksyon, pagsupil sa boses ng oposisyon, paniniktik online, at manipulasyon ng nilalaman ng social media. Binigyang-daan ng pagsakal ni Prime Minister Hun Sen sa larangan ng social media ang pagpapalakas sa maka-gobyernong nilalaman, at paglunod sa tinig at pananakot sa mga kalaban sa politika.[xxi]  Nagdala ng pag-asa ang anunsyo noong Pebrero 2021 na layunin ng MPTC na maghanda ng batas para sa proteksyon ng datos matapos ang pinalisasyon ng borador na batas sa cyber-crime sa malapit na hinaharap.[xxii]

Malamang na uunlad pa ang awtoritaryanismong digital sa Cambodia sa natatanaw na hinaharap. Bagaman maaaring iba ang estilo ni Hun Manet, hindi inaasahang radikal niyang babaguhin ang sistema ng paghahari ng kanyang ama. Paghaharian niya ang Cambodia nang may suporta ng Laos, Myanmar, Vietnam,[xxiii] Singapore, at China;[xxiv] na lahat ay tumutulong sa Cambodia sa kinakailangang imprastraktura para sa matagalang awtoritaryanismong digital.[xxv] Aktibong kalahok rin sa larangang ito ang Russia na matagal nang interesado sa pamilihan sa telekomunikasyon ng Cambodia.[xxvi] Nakipagpirmahan kamakailan ang Russia sa Phnom Penh ng isang kasunduan sa pamumuhunan, kasama rito ang ELTEX ng Russia.[xxvii]

Robin Ramcharan
Executive Director, Asia Centre

Banner: Siem Reap, Cambodia. A most unlikely looking shop to be offering free WiFi. Gartland, Shutterstock

[i] Sebastian Strangio, ‘Cambodia puts controversial National Internet Gateway plan on hold’, The Diplomat, 16 February 2022, https://thediplomat.com/2022/02/cambodia-puts-controversial-national-internet-gateway-plan-on-hold.

[ii] Simon Kemp, ‘Digital 2021: Cambodia’, DataReportal, 2021, https://datareportal.com/reports/digital-2021-cambodia.

[iii] Leveraging Investments in Broadband for National Development: The Case of Cambodia (UN-OHRLLS, 2018),

http://unohrlls.org/custom-content/uploads/2019/02/Cambodia-BroadbandCase-Study-UNOHRLLS-2018.pdf. Viettel, a Vietnamese company run by Vietnam’s Ministry of Defence, operates in Cambodia under the name Metfone. CamGSM was originally known as Mobitel before rebranding itself to Cellcard in 2005. Viettel, Smart Axiata and local CamGSM account for around 90% of market share of mobile subscriptions. Smart Axiata enjoyed a market share of almost 60% while Viettel and CamGSM enjoyed 26% and 11% of the market share respectively. Xinwei Telecom from China, which operates under the name CooTel, and Southeast Asia Telecom from Singapore account for 2.67% and 0.65% of the market share, respectively.

[iv] Hun Sen’s daughter, Hun Mana, is particularly vested in the telecommunications sector, holding 6% of the shares of Viettel Cambodia. The military is also connected to the company, as the wife of the Minister of National Defence, Tea Bahn, owns its shares as well. Hun Mana also holds the position of chairwoman of Dragon Royal Telecom, an Internet provider and directs Bayon Radio and Television, a commercial broadcast network.  See ‘Communications minister defends Saroeun promotion’, Telecompaper, https://www.telecompaper.com/news/communications-minister-defends-saroeun-promotion–933347.

[v] Asia Centre, Internet Freedoms in Cambodia: A Gateway to Control (Bangkok: Asia Centre, 2021).

[vi] ‘List of Arrests and Persons in Detention for COVID-19 Related Offenses’, Human Rights Watch, 23 March 2020,

https://www.hrw.org/video-photos/interactive/2020/03/23/list-arrests-and-persons-detention-covid-19-related-offenses.

[vii] Charles Rollet, ‘Gov’t touts internet record despite telecom law concerns’, Phnom Penh Post, 4 December 2015, https://www.phnompenhpost.com/national/govt-touts-internet-record-despite-telecom-law-concerns.

[viii] Asia Centre, Internet Freedoms in Cambodia, 14.

[ix] Prak Chan Tul, ‘Cambodia adopts China-style internet gateway amid opposition crackdown’, 17 February 2021, https://www.reuters.com/article/us-cambodia-internet-idUSKBN2AH1CZ.

[x] Asia Centre, Internet Freedoms in Cambodia, 1.

[xi] Strangio, ‘Cambodia puts controversial National Internet Gateway plan on hold’; ‘Cambodia internet soon to be like China’, Bangkok Post, 15 January 2022,

https://www.bangkokpost.com/tech/2247899/cambodias-internet-may-soon-be-like-chinas-state-controlled.

[xii] Charles McDermid, ‘Cambodia’s internet may soon be like China’s: State-Controlled’, New York Times, 22 January 2022, https://www.nytimes.com/2022/01/15/business/cambodia-arrests-internet.html.

[xiii] ‘Govt mulls internet gateway to fight crime’, Bangkok Post, 20 February 2022,

https://www.bangkokpost.com/thailand/general/2266939/govt-mulls-internet-gateway-to-fight-crime.

[xiv] Three cycles of the Universal Periodic Review (2009, 2013, 2018) of the Human Rights Council, the Human Rights Committee of the ICCPR and 8 reports (2009-2019) of the Special Rapporteur on the situation of human rights in Cambodia. See Asia Centre, Internet Freedoms in Cambodia, 3-6.

[xv] ‘Cambodia steps up surveillance with new Internet Gateway,” 14 February 2022, Voice of America,

https://www.voanews.com/a/cambodia-steps-up-surveillance-with-new-internet-gateway-/6440601.html.

[xvi] CamboJA (2021) Quarterly Monitoring Report Journalism Situation in Cambodia, July – September, Issue No.1, 12, https://www.camboja.net/wp-content/uploads/2021/10/CamboJA-Quarterly-Report-2021_English.pdf.

[xvii] ‘Cambodia to use “ethics committee” to censor journalists’, 11 August 2021, Reporters Without Borders, https://rsf.org/en/news/cambodia-use-ethics-committee-censor-journalists.

[xviii] ‘Victory! FinFisher shuts down’, Access Now, 29 March 2022, https://www.accessnow.org/finfisher-shuts-down. Also see Morgan Marquis-Boire et al. ‘You Only Click Twice: FinFisher’s Global Proliferation’, The Citizen Lab, 13 March 2013, https://citizenlab.ca/2013/03/you-only-click-twice-finfishers-global-proliferation-2.

[xix] Christopher Bing and Joseph Menn ‘U.S. State Department phones hacked with Israeli company spyware – sources’, Reuters, 4 December 2021,

https://www.reuters.com/technology/exclusive-us-state-department-phones-hacked-with-israeli-company-spyware-sources-2021-12-03; ‘Massive data leak reveals Israeli NSO Group’s spyware used to target activists, journalists, and political leaders globally’, Amnesty International, 19 July 2021,

Massive data leak reveals Israeli NSO Group’s spyware used to target activists, journalists, and political leaders globally

[xx] Asia Centre, Internet Freedom in Cambodia, 23.

[xxi] Samantha Bradshaw, Hannah Bailey & Philip N. Howard, ‘Industrialized Disinformation: 2020 Global Inventory of Organised Social Media Manipulation’, Working Paper, Oxford, UK: Project on Computational Propaganda (2021),

https://demtech.oii.ox.ac.uk/wpcontent/uploads/sites/127/2021/01/CyberTroop-Report-2020-v.2.pdf.

[xxii] DataGuidance, Cambodia: Data Protection Overview, DataGuidance, September 2021,

https://www.dataguidance.com/notes/cambodia-data-protection-overview.

[xxiii] ‘Vietnam, Cambodia boost postal, telecoms, ICT cooperation’, Nhan Dan, 15 March 2021

https://en.nhandan.vn/scitech/sci-tech/item/7242102-vietnam-cambodia-boost-postal-telecoms-ict-cooperation.html.

[xxiv] May Kunmakara, ‘China Unicom enters Cambodia’, Phnom Penh Post, 2 December 2019,

https://www.phnompenhpost.com/business/china-unicom-enters-cambodia.

See also: ‘China, Cambodia to enhance law enforcement cooperation’, Xinhua, 30 September 2021,

http://www.lmcchina.org/eng/2021-09/30/content_41690814.html.

[xxv] ‘Vietnam, Cambodia boost postal, telecoms, ICT cooperation’.

[xxvi] ‘VimpelCom investing $200 mln in Cambodian phones’, Reuters, 21 May 2013,

https://www.reuters.com/article/cambodia-russia-telecoms-idUSBKK9283520090521.

[xxvii] Ministry of Economic Development, Russian Federation, ‘Russia and Cambodia approved a list of promising investment projects’, 20 September 2021,

https://en.economy.gov.ru/material/news/russia_and_cambodia_approved_a_list_of_promising_investment_projects.html.

Robin Ramcharan
Executive Director, Asia Centre

Banner: Siem Reap, Cambodia. A most unlikely looking shop to be offering free WiFi. Gartland, Shutterstock