Ang Heograpiya ng Seguridad: Pamimilit, Komparatibong Bentahe at Gawaing Pamamahala sa Populasyon sa Kontemporaryong Laos

Michael Dwyer

KRSEA-Dwyer-Laos-lands

Sa maagang bahagi ng taong 1988, naglabas ng instruksyon ang Konseho ng mga Ministro ng Laos para sa mga ministro ng bansa, komite ng estado, pangmasang organisasyon, probinsya at munisipalidad. May titulong “Pagtataas ng Antas ng Gawaing Pamamahala sa Populasyon,” inihayag ng dokumento ang isang bisyon ng kanayunan ng Laos na nagbigay-diin sa mahigpit na ugnayan ng pang-ekonomikong kaunlaran at pambansang seguridad. Ipinaliwanag nitong ang gawaing pamamahala sa populasyon ay nangangailangan ng “paggagap sa estadistika ng populasyon, pagtatala ng mga estadistika ng pagsilang at pagkamatay, pamamahagi ng kard ng pagkakakilanlan, pag-oorganisa ng relokasyon ng populasyon, pagsasaayos ng mga pardon sa paninirahan, at paghahanap at paglikha ng mga bagong trabaho para sa multi-etnikong mamamayan na walang pag-aaring lupa para kumita ng kabuhayan.” Binigyang-pansin ng instrukyon na ang “pundamental na prinsipyo,” ay “payagan ang multi-etnikong mamamayan ng Laos na makamit ang lehitimong pantay na karapatan sa lahat ng larangan ng pamumuhay at lalong pahusayin ang kanilang karapatan sa kolektibong pamumuno at pandama sa malikhaing pagtupad sa kanilang dalawang estratehiko tungkulin: pagtatanggol ng bansa at pagtatatag ng sosyalismo.” 1

Sa kanyang mga lektura hinggil sa modernong sining ng pamahalaan, nagtataglay ang deskripsyon ni Focault ng pagkakatulad sa ilang teknika sa pamamahala ng populasyon na itinala sa itaas, gayundin sa kanilang mas masaklaw na lohika ng paghahari. Pareho itong nagnais na makilala ang populasyon sa pamamagitan ng estadistika ng demograpiya, heograpiya at kabuhayan na maisasalin sa kakayanang administratibo at pamamahala sa pamamagitan ng mga hakbanging pulitikal-ekonomiko. At para sa dalawa, tumutukoy ang “populasyon” hindi lamang basta sa grupo ng tao, kundi sa kolektibo na kikilos nang naaayon sa mga pangangailangan ng mas malaking kolektibo—mga mamamayan na, sa mga salita ni Jeremy Bentham, ay “gagawa nang ayon sa nararapat . 2 Ang populasyon, ikinatwiran ni Foucault, ay pinakamainam na mauunawaan bilang kabaliktaran ng hindi ma-kontrol na nagkakagulong mga tao – “ang mga tao” – na, humihiling na makuha ang kanilang mga karapatan at interes kahit na sa paggawa nito ay nagiging abala sa lipunan, tumangging maging miyembro ng populasyon at sa gayon ay ginugulo ang sistema sa kabuuan. Ang mapabilang sa populasyon ay nagpapahintulot ng isang antas ng pansariling interes, subalit may matitigas na hangganan: nangangailangan din ito ng sakripisyo para sa kabutihan ng bansa. 3

Dalawang dekada pagkatapos, ang pangaral ng Konseho hinggil sa gawaing pamamahala sa populasyon ay hindi gasinong istorikal na anakronimso kaysa aakalain sa unang tingin. Ang huling bahagi ng dekada ‘80 ay transpormatibong panahon sa kasaysayan ng Lao PDR, na nakatuntong, sa isang bahagi, sa dunggot ng panahon matapos ang Cold War na magpapapasok ng mga lahatang pagbabago sa ekonomiya sa ilalim ng pamagat ng liberalisasyon at dayuhang pamumuhunan (ang tinatawag na Bagong Mekanismong Pang-ekonomiko), at sa kabilang banda, ang higit isang dekada panahon pagkatapos ng digmaan na nanatili lampas pa sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Indochina. Sa huling bahagi ng 1988, habang nananawagan ang punong ministro ng Thailand para sa saklaw-rehiyong kooperasyon na “gawing pamilihan ang mga larangan ng digmaan,” 4 Pinag-ibayo ng mga pinuno ng Partidong Lao ang pangangailangan para sa “pinaigting na pagmamatyag….sa mga bagong larangan ng digmaan kungsaan walang maririnig na putok ng baril,” pinaaalalahan ang kanilang mga kadre laban sa “mga pagsisikap ng dati at kasalukuyang ‘mga kaaway’….na magdulot ng mutwal na paghihinala, antagonismo at kawalang tiwala sa pagitan ng mga nakabababa at nakatataas na baitang, na magbubunsod ng internal na awayan upang sumiklab ang mga kaguluhan at pag-aalsa tulad ng ginawa ng mga ito sa ibang bansa.” 5 Ang instruksyon hinggil sa gawaing pamamahala ng populasyon, na inilabas ilang buwan lamang na mas maaga, ay katulad na naging tahasan sa paghahayag nito hinggil sa lihim na dayuhang panghihimasok. Inihayag nitong ang gawaing pamamahala sa populasyon ay isang “dambuhala at sumasaklaw-sa-lahat na gawain” na nangangailangan ng “wastong aktitud; mataas na pandama sa responsibilidad; sapat na kakayahan sa pagsasagawa ng gawain pampulitika, panlipunan, pang-ekonomiko, pambansang pagtatangol at kaligtasan ng publiko; paggalang sa demokratikong karapatan ng populasyon; at pagtataglay ng sanay, banayad at maingat na mga metodo sa pag-iwas sa panlalansi ng kaaway.”

Samantalang maaaring tunog lipas na ang pananalitang ito hinggil sa seguridad, nananatiling napapanahon ang esensyal na lohika nito. Sa sanaysay na ito, nagmumungkahi ako ng dalawang paraan kung paanong ang naunang panahon ng pagte-teoryang ito ng estado hinggil sa mga usapin ng kaunlaran at depensa ay maaaring magbigay kaalaman sa sarili nating mga pagsisikap para kritikal na suriin ang pamamahala ng lupain at rekurso sa kontemporaryong Laos. Kailangan kapwa ng seryosong pagtangan sa diskurso sa seguridad habang nagmamantine rin ng kritikal na distansya mula sa mga pagsisikap nitong iwaksi (panlabas) at hadlangan (panloob) ang mga kritisismo sa pamamagitan ng pagtitiyak na malinaw na natatanaw ang dating masasamang panahon ng dayuhang inetrebensyunimo. Una, sa aking palagay ay dapat tayong magbasa ng kontemporaryong gawaing pamamahala sa populasyon sa matataas na lupain ng Laos bilang isang porma ng tinatawag ni Aihwa Ong na gradwadong soberanya: gawaing pampulitika na isinagawa ng mga mahihinang estado para i-angkop ang kanilang mga teritoryo at populasyon sa mga restriksyon at oportunidad ng pandaigdigang ekonomiya. 6 Sa kaso ng Laos, ang pamimilit ay nilalayong maging mabilisang pamalit sa pag-aatras ng mga regulasyon, isang paraan upang mapamahalaan ang mga tensyon sa pagitan ng mga rural na komunidad at ang iba’t ibang aktor na nais maipasok kapwa ang kanilang mga sarili at kanilang mga lupa sa mga iskemag pang-kaunlaran at konserbasyon. At ikalawa, nais kong imungkahi na habang tiyak na may kritikang moral na gagawin sa pamimilit bilang taktika sa soberanya, mayroon ding istorikal na labis na determinasyon na humihiling sa atin na tumanaw nang lampas sa estado ng Laos para isama ang mga dayuhang pampublikong aktor, kapwa ang mga pamahalaan at mga multilateral na aktor, na lubhang nakakaapekto ang mga desisyon sa espasyo ng maniobra ng Laos sa kasalukuyang pandaigdigang ekonomiya. Samantalang naniniwala akong may katuturan ang pagsusuring ito sa mga usapin ng lupa at pamamahala ng kagubatan na tumatawid sa isang saklaw ng mga sektor, para maging maikli ay nilimatahan ko lamang sa isang kaso ang talakayan dito.

Mga pinangangasiwaang binakuran at pagtatanggal ng kakayahang pampulitika sa hilagang-kanlurang Laos

Ang karahasan ng digmaan at kontrol sa kagamitan sa pamimilit ay may mapagpasyang bigat ngayon sa organisasyon ng mga lipunan matapos ang kolonyalismo. Saan man ito nagaganap, nang-uupat ang digmaan ng pagbabago ng kaayusan ng mga paraan kung paano pinamamahalaan ang teritoryo at mamamayan, (at…maaaring) sa katunayan ay matanggalan ng kakayahang pampulitika ang mga buo-buong seksyon ng populasyon.

– Achille Mbembe, On the Postcolony 7

Sa huling bahagi ng dekada 2000, mabilis na umangat ang Laos sa unahan ng pagsigla ng mga kasunduang transnasyunal sa lupa na sa paglingon ay malawakang tinawag na pandaigdigang land rush. 8 Tulad nang ipinakita ng magkahalong iskolarship at peryodimo mula sa Timog Silangang Asya, sa kabila ng pag-angat sa atensyong pandaigdig na nalikha sa huling bahagi ng 2008 hanggang 2009, nagaganap na ang iba’t ibang porma ng pagbabakod para sa mga transnasyunal na agribisnes sa malaking bahagi ng dekada 2000, bilang kumbinasyon ng murang pautang, ispekulatibong demand, at agresibong papalabas na pamumuhunan ng mga umaangat na ekonomiya na ipinahayag nang may pagkadismaya ng mga “mayaman sa lupaing” bansa na may tulong pangkaunlaran ng Kanluran. 9 Akma sa puwang na ito ang pamumuhunang Tsino sa mga bagong plantasyon ng goma sa hilagang-kanlurang Laos; samantalang ang karamihan dito ay pribado, naglakbay ito sa ilalim ng bandila ng bilateral na kooperasyon sa kaunlaran, at pinasigla ng mga patakaran ng pamahalaan Tsino na nakaturol tungong pagbibigay ng insentibo sa papalabas na pamumuhunan, kasama ang mga galanteng subsidyo sa agribisnes na maaaring ibalangkas sa retorika ng pagpapalit sa opyo ng mga legal na pambentang pananim para sa tubo tulad ng goma. 10

Sa katamtamang saklaw, sinundan ng mga bagong pamumuhunan sa plantasyon ng goma ang paglago ng aksesibilidad at konektibidad sa pagitan ng katimugang Yunnan at hilagang kanluraning Laos. May ilang tagumpay ang mga kumpanyang Tsino sa mga lupang hangganan ng distrito ng Sing at sa kapital ng probinsya na Luang Namtha, ngunit dahil marami sa mga magsasaka sa erya ang mayroon nang ugnayan sa China, 11 kaklakhan ng kanilang mga bagong-tagpong akses lupa – gayundin din para sa mga taga-baryong Lao, sa porma man ng kontraktwal na magsasaka o manggagawa- ay sa mga binuksang liblib na lugar na nakapaligid sa “Northern Economic Corridor,” isang ekspansyon sa kalsadang nag-uugnay sa hilagang Thailand at Yunnan sa pamamagitan ng mga probinsya ng kanluraning Luang Namtha at Bokeo na itinayo sa pagitan ng mga taong 2003 at 2007. Habang pinaaalingawngaw ang rehiyunal at pambansang layuning pagdugtungin ang mga bansa ng “Greater Mekong Subregion” at lumikha ng mga bagong sonang pang-ekonomiko gaya nang “Golden Quadrangle” ng katimugang Yunnan, hilagang Laos, hilagang Thailand at silangang estadong Shan ng Myanmar, ang paglago ng negosyo ay nagdulot din ng tensyon sa pagitan ng mga opisyal ng Laos na pumanig sa pamumuhunan sa porma ng kontratang pagsasaka at mga kumpanyang Tsino na nagnais ng higit na direktang kontrol sa mga bagong plantasyon. 12 Ang katanungang ito ng kontratang pagsasaka laban sa nakabatay-sa-konsesyon na modelo ng negosyo, sa katunayan, ay nagpatigil sa kooperasyong Sino-Lao sa goma hanggang sa maagang bahagi ng dekada 2000.

Ang ‘solusyon’ di umano sa hindi pagkakasundo ay sa porma ng isang kompromiso na, upang gumana, ay dumepende sa pagbabakod ng mga lokal na awtoridad sa malalaking sukat ng lupa para sa mga Tsinong kumpanya ng goma habang pinananatili ding mistulang ang kontratang pagsasaka ang karaniwang moda ng bilateral na kooperasyong nakabatay sa goma. Dito namayani ang mas maliitang-saklaw na lohikang heograpiko. Gamit ang mga teknika na nagpapaalala sa paglalarawan sa “gawaing pamamahala sa populasyon” sa itaas,  kinuha ng mga awtoridad ng distrito ang mga magagamit na lupain na nasa hugpungan sa pagitan ng mga magsasakang mayroon at walang pag-aari. Samantalang kalimitang ibinabalangkas ng mga awtoridad ng Laos ang goma bilang lohikal na pamalit sa opyo dahil kapwa nangangailangan ng mataas na kasanayan sa papapatigis ng resin, nagtakda ito ng mas mataas na pamantayan sa mga maralitang magsasaka sa paraang pamalagian ito, na sa rehiyong ito ay kalimitang nangangailangan ng isang dekadang panahon sa pagitan ng pagtatanim at unang pag-ani. Sa gayon, naaakit nito ang mga tipo ng magsasakang may pandama sa negosyo: yaong may labis na kapital at paggawa, na kaya ang kailangang panahon sa paghihintay sa pagitan ng pagtatanim at pagpapatigis, at kayang mananggalang sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng goma sa pandaigdigang pamilihan.  Sa gayon, naging kaakit-akit ang mga lupain ng mas mahihirap na baryo para sa alternatibo, tipong-konsesyon na mga iskema sa plantasyon kungsaan sinasabing teknikal na pag-aari pa rin ng mga taga-baryo ang lupa, ngunit inilaan sa mga kumpanyang Tsino para sa pagpapa-unlad ng mga plantasyong pinagmamay-arian ng mga kumpanya na gumagamit ng lokal na manggagawang Lao. (Fig. 1).

KRSEA-Chinese-rubber-plantation-on-village-land
Figure 1. Plantasyon ng goma ng kumpanyang Tsino sa lupain ng baryo, Vieng Phou Kha District (larawan ng awtor 2018)

Sa distrito ng Vieng Phou Kha kungsaan ako nagtrabaho, sumandig din ang iskemang ito sa salik ng pagtatanggal ng kakayang pampulitika na inilarawan ni Achille Mbembe sa epigrapong sipi sa itaas. Ang mga naninirahan ay hindi lamang mga maralita kundi mga inilipat din mula mga lugar na istorikal na iniuugnay sa mga insurhensyang laban sa pamahalaan noong mga dekada ng 1960, ’70, ’80 at kahit ’90- isang erya sa gilid ng kanlurang bahagi ng distrito sa rehiyon ng lihim na baseng Amerikano na itinayo noong 1962. Kasunod ng paglilipat sa kanila, ang nabuong baryo ay naging paulit-ulit na target ng iba’t ibang iskema sa kaunlaran , kasama kapwa ang mga opisyal na proyektong tulong at mga impormal na pinagkasunduang pagbebenta ng lupa sa lokal na elit. Sa katunayan, sinasabing sinubukan ng gobernador ng distrito na salungatin ang nagaganap na pagkaubos ng mga baseng lupain ng baryo sa pamamagitan ng pag-uutos sa kumpanyang Tsinong itinalaga ng awtoridad ng probinsya sa distrito na gawing target ang mga baryong ito para sa pagpapa-unlad ng sarili nitong lupaing plantasyon. Ang proyektong ito ang pinakahuling  “kooperasyong” pangkaunlaran na hindi tunay, at mas mahusay na mauunawaan bilang isang maka-isang panig na imposisyon sa isang bahagi ng populasyon na sa esensya ay itinuturing na binabantayan ng estado. Isang susing resulta ng prosesong ito ay ang paglikha ng “magagamit” na lupain sa bagong bukas na liblib na lugar ng (Northern Economic Corridor). 13

Konklusyon

Sa kabila ng paglikha ng magagamit na lupa, kalakha’y nabigo ang iskemang ito ng pangangasiwa sa mga binakuran sa dimensyon ng paglikha ng kabuhayan. Ngayon ay mas eksepsyon kaysa kalakaran para sa mga residente ng baryo na may pinangangasiwaang binakuran ang magtrabaho sa mga kumpanya, bilang independyenteng nakakontratang magsasaka man o bilang tagapagpatigis ng goma sa mga plantasyon ng kumpanya, na kadikit ng kanilang sariling kaingin. (tingnan ang Fig. 1, background). Gayunpaman, ang malinaw, ang ganitong sitwasyon ay produkto, hindi lamang sa maliit na bahagi, ng mas malawak na mga pampulitika at pang-ekonomikong proseso na naglugar sa Laos sa loob ng ikot ng pamumuhunang transnasyunal, kooperasyon sa kalakalan at kaunlaran na kung hindi man pinagmumukhang mahusay, sa minimum ay pinagmumukhang nasa saklaw ng mga posibilidad ang mga mapamilit na lapit sa lokal na gamit ng lupa. Ang pamimilit ay nasa likod ng konsepto ni Aihwa On ng gradwadong soberanya kapwa sa mga moda nitong teritoryal at pagharap sa populasyon. Habang nagbunga ng mga hamon na singdami ng oportunidad ang mga aspirasyon ng Laos na lumahok sa pandaigdigang komunidad ng mga bansang lumilikha ng goma, mas malamang na ang pamimilit, sa halip na ang magagamit na lupa mismo, ang nakikita ng mga tagapag-desisyon bilang pangunahing bentahe ng bansa. Kung paano ito magaganap sa dulo ay hindi pa nakikita.

[i] “Instruction on stepping up population management work, issued by the Lao PDR’s Council of Ministers and signed by Nouhak Phoumsavan, vice chairman of the council,” 1 Feb. 1988; translated by the United States’ Foreign Broadcast Information Service (FBIS). Texas Tech University Vietnam Center and Archives, Vietnam Veterans Association Project – Laos; box 30, folder 4; accessed 11 Mar. 2009.

[ii]Foucault, M. (2009). Security, Territory, and Population. lectures at the Collège de France, 1977-1978. Picador USA; Bentham (“do as they ought”), quoted pp. 202-203 in Scott, D. (1995). Colonial Governmentality. Social Text, (43), 191–220.

[iii]Foucault (op. cit.), pp. 43-44.

[iv]Innes-Brown, M., & Valencia, M. J. (1993). Thailand’s resource diplomacy in Indochina and Myanmar. Contemporary Southeast Asia, 14, 332–351; Hirsch, P. (2001). Globalisation, regionalization and local voices: The Asian Development Bank and re-scaled politics of environment in the Mekong Region. Singapore Journal of Tropical Geography 22: 237-251.

[v] Lao radio, 7 Sept. 1988, “Heighten vigilance against enemies’ new schemes”; translation by FBIS. Texas Tech University Vietnam Center and Archives, Vietnam Veterans Association Project – Laos; box 30, folder 4; accessed 11 Mar. 2009.

[vi]Ong, A. (2000). Graduated Sovereignty in South-East Asia. Theory, Culture & Society, 17(4), 55–75.

[vii]Mbembe, A. (2001). On the postcolony. Berkeley: University of California Press, p. 88

[viii] See, among others, Borras, S. M., Franco, J. C., Gomez, S., Kay, C., & Spoor, M. (2012). Land grabbing in Latin America and the Caribbean. Journal of Peasant Studies, 39(3–4), 845–872; Li, T. M. (2011). Centering labor in the land grab debate. The Journal of Peasant Studies, 38(2), 281–298; White, B., Jr., S. M. B., Hall, R., Scoones, I., & Wolford, W. (2012). The new enclosures: critical perspectives on corporate land deals. The Journal of Peasant Studies, 39(3–4), 619–647; and Wolford, W., Borras, S. M., Hall, R., Scoones, I., & White, B. (2013). Governing Global Land Deals: The Role of the State in the Rush for Land. Development and Change, 44(2), 189–210.

[ix] See, among others, Baird, I. G. (2014). The Global Land Grab Meta-Narrative, Asian Money Laundering and Elite Capture: Reconsidering the Cambodian Context. Geopolitics, 19(2), 431–453; Dwyer, M. B. (2013). Building the Politics Machine: Tools for “Resolving” the Global Land Grab. Development and Change, 44(2), 309–333; Kenney-Lazar, M. (2012). Plantation rubber, land grabbing and social-property transformation in southern Laos. The Journal of Peasant Studies, 39(3–4), 1017–1037; McCartan, B. (2007). China rubber demand stretches Laos. Asia Times Online. 19 December; Symon, A. (2007). Regional race for Laos’s riches. Asia Times Online. 30 August.

[x]Shi, W. (2008). Rubber boom in Luang Namtha: A transnational perspective. Vientiane: German Technical Cooperation (GTZ); Dwyer, M. B. (2014). Micro-Geopolitics: Capitalising Security in Laos’s Golden Quadrangle. Geopolitics, 19(2), 377–405; Kramer, Tom, & Woods, Kevin. (2012). Financing Dispossession – China’s Opium Substitution Programme in Northern Burma (Drugs & Democracy Program). Amsterdam: Transnational Institute; Lu, J. N. (2017). Tapping into rubber: China’s opium replacement program and rubber production in Laos. The Journal of Peasant Studies, 0(0), 1–22.

[xi]Shi (op. cit.); Diana, A. (2009). Roses and Rifles: Experiments of governing on the China-Laos frontier. The Australian National University; Sturgeon, J. C., Menzies, N. K., Fujita Lagerqvist, Y., Thomas, D., Ekasingh, B., Lebel, L., … Thongmanivong, S. (2013). Enclosing Ethnic Minorities and Forests in the Golden Economic Quadrangle. Development and Change, 44(1), 53–79.

[xii]Alton, C., Blum, D., & Sannanikone, S. (2005). Para rubber in northern Laos: The case of Luangnamtha. Vientiane: German Technical Cooperation (GTZ); Shi (op. cit.); Dwyer, M., & Vongvisouk, T. (2017). The long land grab: market-assisted enclosure on the China-Lao rubber frontier. Territory, Politics, Governance, 0(0), 1–19.

[xiii] See Dwyer (2013 op. cit. and 2014 op. cit.) for more detail.

Michael Dwyer
Michael Dwyer is Instructor, Department of Geography, at the University of Colorado, Boulder

REFERENCES

Alton, C., Blum, D., & Sannanikone, S. (2005). Para rubber in northern Laos: The case of Luangnamtha. Vientiane: German Technical Cooperation (GTZ).
Baird, I. G. (2014). The Global Land Grab Meta-Narrative, Asian Money Laundering and Elite Capture: Reconsidering the Cambodian Context. Geopolitics, 19(2), 431–453.
Borras, S. M., Franco, J. C., Gomez, S., Kay, C., & Spoor, M. (2012). Land grabbing in Latin America and the Caribbean. Journal of Peasant Studies, 39(3–4), 845–872.
Diana, A. (2009). Roses and Rifles: Experiments of governing on the China-Laos frontier. The Australian National University.
Dwyer, M. B. (2013). Building the Politics Machine: Tools for “Resolving” the Global Land Grab. Development and Change, 44(2), 309–333.
Dwyer, M. B. (2014). Micro-Geopolitics: Capitalising Security in Laos’s Golden Quadrangle. Geopolitics, 19(2), 377–405.
Dwyer, M., & Vongvisouk, T. (2017). The long land grab: market-assisted enclosure on the China-Lao rubber frontier. Territory, Politics, Governance, 0(0), 1–19.
Foucault, M. (2009). Security, Territory, and Population. lectures at the Collège de France, 1977-1978. Picador USA.
Hirsch, P. (2001). Globalisation, regionalization and local voices: The Asian Development Bank and re-scaled politics of environment in the Mekong Region. Singapore Journal of Tropical Geography 22: 237-251.
Innes-Brown, M., & Valencia, M. J. (1993). Thailand’s resource diplomacy in Indochina and Myanmar. Contemporary Southeast Asia, 14, 332–351.
Kenney-Lazar, M. (2012). Plantation rubber, land grabbing and social-property transformation in southern Laos. The Journal of Peasant Studies, 39(3–4), 1017–1037.
Kramer, Tom, & Woods, Kevin. (2012). Financing Dispossession – China’s Opium Substitution Programme in Northern Burma (Drugs & Democracy Program). Amsterdam: Transnational Institute.
Li, T. M. (2011). Centering labor in the land grab debate. The Journal of Peasant Studies, 38(2), 281–298.
Lu, J. N. (2017). Tapping into rubber: China’s opium replacement program and rubber production in Laos. The Journal of Peasant Studies, 0(0), 1–22.
Mbembe, A. (2001). On the postcolony. Berkeley: University of California Press.
McCartan, B. (2007). China rubber demand stretches Laos. Asia Times Online. 19 December.
Ong, A. (2000). Graduated Sovereignty in South-East Asia. Theory, Culture & Society, 17(4), 55–75.
Scott, D. (1995). Colonial Governmentality. Social Text, (43), 191–220.
Shi, W. (2008). Rubber boom in Luang Namtha: A transnational perspective. Vientiane: German Technical Cooperation (GTZ).
Sturgeon, J. C., Menzies, N. K., Fujita Lagerqvist, Y., Thomas, D., Ekasingh, B., Lebel, L., … Thongmanivong, S. (2013). Enclosing Ethnic Minorities and Forests in the Golden Economic Quadrangle. Development and Change, 44(1), 53–79.
Symon, A. (2007). Regional race for Laos’s riches. Asia Times Online. 30 August.
White, B., Jr., S. M. B., Hall, R., Scoones, I., & Wolford, W. (2012). The new enclosures: critical perspectives on corporate land deals. The Journal of Peasant Studies, 39(3–4), 619–647.
Wolford, W., Borras, S. M., Hall, R., Scoones, I., & White, B. (2013). Governing Global Land Deals: The Role of the State in the Rush for Land. Development and Change, 44(2), 189–210.

Notes:

  1. “Instruction on stepping up population management work, issued by the Lao PDR’s Council of Ministers and signed by Nouhak Phoumsavan, vice chairman of the council,” 1 Feb. 1988; translated by the United States’ Foreign Broadcast Information Service (FBIS). Texas Tech University Vietnam Center and Archives, Vietnam Veterans Association Project – Laos; box 30, folder 4; accessed 11 Mar. 2009.
  2. Foucault, M. (2009). Security, Territory, and Population. lectures at the Collège de France, 1977-1978. Picador USA; Bentham (“do as they ought”), quoted pp. 202-203 in Scott, D. (1995). Colonial Governmentality. Social Text, (43), 191–220.
  3. Foucault (op. cit.), pp. 43-44.
  4. Innes-Brown, M., & Valencia, M. J. (1993). Thailand’s resource diplomacy in Indochina and Myanmar. Contemporary Southeast Asia14, 332–351; Hirsch, P. (2001). Globalisation, regionalization and local voices: The Asian Development Bank and re-scaled politics of environment in the Mekong Region. Singapore Journal of Tropical Geography 22: 237-251.
  5. Lao radio, 7 Sept. 1988, “Heighten vigilance against enemies’ new schemes”; translation by FBIS. Texas Tech University Vietnam Center and Archives, Vietnam Veterans Association Project – Laos; box 30, folder 4; accessed 11 Mar. 2009.
  6. Ong, A. (2000). Graduated Sovereignty in South-East Asia. Theory, Culture & Society17(4), 55–75.
  7. Mbembe, A. (2001). On the postcolony. Berkeley: University of California Press, p. 88
  8. See, among others, Borras, S. M., Franco, J. C., Gomez, S., Kay, C., & Spoor, M. (2012). Land grabbing in Latin America and the Caribbean. Journal of Peasant Studies39(3–4), 845–872; Li, T. M. (2011). Centering labor in the land grab debate. The Journal of Peasant Studies38(2), 281–298; White, B., Jr., S. M. B., Hall, R., Scoones, I., & Wolford, W. (2012). The new enclosures: critical perspectives on corporate land deals. The Journal of Peasant Studies39(3–4), 619–647; and Wolford, W., Borras, S. M., Hall, R., Scoones, I., & White, B. (2013). Governing Global Land Deals: The Role of the State in the Rush for Land. Development and Change44(2), 189–210.
  9. See, among others, Baird, I. G. (2014). The Global Land Grab Meta-Narrative, Asian Money Laundering and Elite Capture: Reconsidering the Cambodian Context. Geopolitics19(2), 431–453; Dwyer, M. B. (2013). Building the Politics Machine: Tools for “Resolving” the Global Land Grab. Development and Change44(2), 309–333; Kenney-Lazar, M. (2012). Plantation rubber, land grabbing and social-property transformation in southern Laos. The Journal of Peasant Studies39(3–4), 1017–1037; McCartan, B. (2007). China rubber demand stretches Laos. Asia Times Online. 19 December; Symon, A. (2007). Regional race for Laos’s riches. Asia Times Online. 30 August.
  10. Shi, W. (2008). Rubber boom in Luang Namtha: A transnational perspective. Vientiane: German Technical Cooperation (GTZ); Dwyer, M. B. (2014). Micro-Geopolitics: Capitalising Security in Laos’s Golden Quadrangle. Geopolitics19(2), 377–405; Kramer, Tom, & Woods, Kevin. (2012). Financing Dispossession – China’s Opium Substitution Programme in Northern Burma (Drugs & Democracy Program). Amsterdam: Transnational Institute; Lu, J. N. (2017). Tapping into rubber: China’s opium replacement program and rubber production in Laos. The Journal of Peasant Studies0(0), 1–22.
  11. Shi (op. cit.); Diana, A. (2009). Roses and Rifles: Experiments of governing on the China-Laos frontier. The Australian National University; Sturgeon, J. C., Menzies, N. K., Fujita Lagerqvist, Y., Thomas, D., Ekasingh, B., Lebel, L., … Thongmanivong, S. (2013). Enclosing Ethnic Minorities and Forests in the Golden Economic Quadrangle. Development and Change44(1), 53–79.
  12. Alton, C., Blum, D., & Sannanikone, S. (2005). Para rubber in northern Laos: The case of Luangnamtha. Vientiane: German Technical Cooperation (GTZ); Shi (op. cit.); Dwyer, M., & Vongvisouk, T. (2017). The long land grab: market-assisted enclosure on the China-Lao rubber frontier. Territory, Politics, Governance0(0), 1–19.
  13. See Dwyer (2013 op. cit. and 2014 op. cit.) for more detail.