Ang Pagsasalokal ng Pulitika sa Thailand

Nishizaki Yoshinori

        

Pasuk Pongpaichi and Sungsidh Piriyarangsan
Corruption and Democracy in Thailand
(Katiwalian at demokrasya sa Thailand)
Chiang Mai / Silkworm Books / 1994

Ruth McVey, patnugot
Money and Power in Provincial Thailand
(Ang salapi at kapangyarihan sa mga probinsya ng Thailand)
Honolulu / University of Hawaii Press / 2000

Sinusuri sa sanaysay na ito ang mga aklat na naglalarawan at nag-aanalisa sa tatlong bagong-litaw na penomenong panlipunan sa Thailand: ang pag-usbong ng mga lokal na hepe o gangster, na kilala bilang chao pho; ang pag-unlad ng mga kapitalista sa probinsya at panggitnang uri na aktibong nakikisangkot sa pulitika; at ang paglaganap ng katiwalian.  Tinitingnan sa Corruption and Democracy in Thailand ang mas madilim na aspeto ng kanayunan, tulad ng katiwalian, pamamaslang, at karahasan, na tinitingnan ng mga may-akda bilang mga direktang resulta ng demokratisasyon; sinusuri naman sa Money and Power in Provincial Thailand kung paano naaapektuhan ng bagong padron ng dominasyong pampulitika at pang-ekonomya ang relasyon sa pagitan ng Bangkok at ng kanayunan.  Ang dalawang aklat na ito ay nagbibigay-patunay sa palalawigang direksyon ng pulitikang Thai sa kabuuan.

Di-hayag na kinukuwestyon ng dalawang aklat ang patuloy na kaangkupan ng dalawang dominanteng perspektibong teoretikal na tumutukoy sa Thailand bilang “bureaucratic polity” o bilang “liberal-corporatist polity.”  Ang kritikal na pagsuri sa mga perspektibong ito ay kinakailangan pang ipagpatuloy.  Ang penomenong inilalarawan dito—ang pag-usbong ng chao pho sa lalawigan, ang “patronage alliance” nito sa mga pambansang pulitiko, ang paglaganap ng karahasan sa mga halalang pulitikal, at ang paglaganap ng katiwalian—ay tanda ng pleksibilidad ng “patrimonial democracy,” isang kalagayan kung saan ang pamahalaang Thai ay patuloy na pinahihina ng paboritismo at nepotismo at kung saan ang kapangyarihan ay patuloy na kinakasangkapan sa pamamagitan ng mga personal na kuneksyon.  Ang porma ng kumpetisyong pulitikal ay nagbago mula sa intra-burukratikong pag-aagawan patungo sa pag-aagawang pang-halalan, subalit nananatiling pareho ang esensya ng kumpetisyon.

Habang karamihan sa mga iskolar na Thai ay pumupuna sa penomenong ito sa usapin ng moralidad, kinakailangan nating kilalanin na ang katangiang patrimonyal ng demokrasya ay lubhang napakinabangan ng mga pulitiko kung kaya’t kakaunti lamang ang natitirang insentibo upang baguhin ang kanilang nakagawian.  Sa madaling sabi, ang interes ng naghaharing uri ay nakasalalay sa pagpapanatili sa kasalukuyang porma ng demokrasya.

Pagsusuri ni Nishizaki Yoshinori sa
Insinalin ni Sofia Guillermo

Read the full unabridged version of the article (in English) HERE

Kyoto Review of Southeast Asia. Issue 1 (March 2002). Power and Politics

original_banner_blue_small