Mga Bagong Direksyon sa Pag-aaral sa mga Rainforest ng Kanlurang Malesia

Momose Kuniyasu

       

Ang mga tropical rainforest sa Kanlurang Malesia (sa kanlurang bahagi ng Arkipelagong Malay) ay nasa sentro ng biodiversity sa mga ekosistemang terestyal ng Timog-silangang Asya. Ang mga mananaliksik na nagbibigay-pansin sa mga usapin ng yaman ng species—pinagmulan, mekanismo ng sama-samang pamumuhay, epekto sa mga prosesong ekolohikal—ay pumapabor sa mga kagubatan ng Kanlurang Malesia sapagkat mas madali itong marating kaysa sa Peruvian Amazon. Inilalarawan ng papel na ito ang kaugnayan ng mga bagong direksyon sa pananaliksik hinggil sa tropical rainforest sa mga nagbabagong balangkas pang-ekolohiya nitong nakaraang limampung taon. Kabilang dito ang mga relasyon sa pagitan ng kapaligiran at uri ng halaman at ang proseso ng pagkakasunod; mekanismo para sa pagpapanatili ng kumposisyon ng mga speciesecosystem ecology na nakatuon sa pagdaloy ng mga materyal at lakas; population ecology na tumatalakay sa pagkilos ng mga populasyon; at evolutionary ecology kung saan pinapag-aralan kung bakit ang mga buháy na bagay ay mayroong mga takdang kagawian sa usaping historikal. Kamakailan, ang mga balangkas na ito ay ipinasok sa pag-aaral sa paglikha at pagpapanatili ng biodiversity at sa relasyon sa pagitan ngbiodiversity at takbo ng ecosystem.

Ang ekolohiya, bilang isa sa mga disiplina ng biolohiya, ay umunlad sa pamamagitan ng paghahain at pagsubok sa mga teorya sa loob ng mga balangkas na ito. Kasabay nito, ang ekolohiya ay isa ring field science. Kinakailangang makaambag ito sa pag-unawa (at, hangga’t maaari, sa pagpapabuti) sa mga larangan kung saan nagsasagawa ng fieldwork. Halimbawa, ang mga bagong pag-aaral na nagpapakita kung paano naipapanatili ang kapaligiran ay isang ambag. Sa kabuuan, ang mga katanungang nilayong sagutin ng mga ekolohista sa loob ng ilang dekada ay nakakatulong sa pag-iintindi sa mga larangang ito, nagpapaibayo sa kagalingan, at nagpapayaman sa kalinangan sa pamamagitan ng muling pagbubuo sa malalim na relasyon sa pagitan ng tao at iba pang nabubuhay. (Salin ni Sofia G. Guillermo)

Momose Kuniyasu

Read the full unabridged article (in English) HERE

Kyoto Review of Southeast Asia. Issue 2 (October 2002). Disaster and Rehabilitation

issue_2_banner_small