Cheah Boon Kheng
Malaysia: The Making of a Nation
(Malaysia: Ang Paglikha ng Isang Bansa)
Singapore / ISEAS / 2002
Farish A. Noor
The Other Malaysia: Writings on Malaysia’s Subaltern History
(Ang Ibang Malaysia: Mga Sulatin Hinggil sa Kasaysayang Sukob ng Malaysia)
Kuala Lumpur / Silverfishbooks / 2002
Naghahain si Cheah Boon Keng ng paliwanag sa ebolusyon ng bansa sa praktika sa pamamagitan ng mahigpit na pagtutuon sa pulitikang elektoral, ang mga punong ministro, at patakarang pambansa. Inaanalisa ni Cheah ang Malaysia sa pamamagitan ng prism ng “give and take,” sinusuri ang naghaharing tensyon sa pagitan ng Malayong etno-nasyonalismo at sa mas malawak na nasyonalismong Malaysiano. Ang pangunahing argumento niya ay ang bawat isa sa apat na punong ministro ng bansa ay “nagsimula bilang…ekslusibistang nasyunalistang Malayo subalit naging inklusibistang nasyunalistang Malaysiano.” Sapagkat apat na beses itong naganap sa kasaysayan ng bansa, maaaring mahinuha na ang bansa-estado ay lumikha ng sarili nitong lohika. Ang Ketuanan Melayu (dominasyong Malayo sa pulitika), para sa mambabasa, ay nandirito na, subalit ay nalilimitahan ng lohikang ito. Iginigiit ng aklat ni Cheah ang katotohanan ng isang multikultural at mapag-ubayang Malaysia.
Ang Malaysia ni Cheah Boon Keng ay isang maingat na sisidlan ng pagkakaiba, maging sa loob at labas ng mga pamayanang etniko. Si Farish Noor naman ay nakakikita, hindi ng mga nagsasariling identidad, kundi ng mga multiplisidad na sinisikap niyang hanguin mula sa nakaraan at bigyan ng lehitimasya sa kasalukuyan.
Donna J. Amoroso
(Translated by Sophia Guillermo.)
Donna Amoroso edits the Kyoto Review of Southeast Asia.
Read the full unabridged version of this article in English HERE
Kyoto Review of Southeast Asia. Issue 3: Nations and Other Stories. March 2003