Site icon Kyoto Review of Southeast Asia

Ang Civil Society sa Malalim na Timog ng Thailand at ang Mahinang Estado

Civil Society Southern Thailand

Ang huwarang papel ng pamahalaan ay ang maghatid ng kaligayahan at kagalingan sa kanyang mamamayan; lumikha ng mga batas para sila ay maprotektahan mula sa mga hidwaan and maghatid ng batas at kaayusan 1 Kung hindi ito magampanan ay maaaring maganap ang marahas na hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan. Sa teorya, nasa labas ng estado ang civil society, subalit mahirap na ihiwalay ito sa mabuting pamamahala. 2 Gayunpaman, isang mahinang estado ang kinahihinatnan kapag nabigo ang pamahalaan na pangasiwaan ang panloob na karahasan at kung hindi nito kayang ipamahagi ang mga pampolitikang bagay sa kanyang mamamayan. 3 Ito ang nagaganap sa Thailand.  

Mula ika-4 ng Enero 2004, kumaharap sa panlipunang ligalig ang Malalim na Timog ng Thailand. Pirming lumawak ang mga organisasyong civil society bilang tugon sa kawalan ng kakayahan ng pamahalaan na protektahan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa mga hangganang probinsya sa katimugan. Palihim na kumilos ang pamahalaang Thai; inudyukan ang mga mamamayan sa lugar na maniktik sa bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng estratehiyang militar na “Information Operations” (IO). 4 Ang paggamit ng IO sa pamamagitan ng di-nagpapakilalang pahina (ghost pages) sa Facebook ay nakatuon sa mga nilalaman na nagpapakalat at nag-uudyok ng galit laban sa rebeldeng network ng Barisan Revolusi Nasional Melayu Patani o BRN-Coordinate. Dagdag pa, ginagamit ang mga di-nagpapakilalang pahina  upang tukuyin ang mga tao o organisasyon (gaya ng mga iskolar at NGO) na nagbibigay ng suporta sa BRN-Coordinate. Inamin ng Internal Security Operations Command na sa higit 10 taon ay bahagi ang IO ng operasyong militar. 5 Lumilikha ito ng dagdag na mga hamon para sa civil society at nagiging higit na mahirap para sa mamamayan na makisangkot sa prosesong pangkapayapaan sa lugar.

Sa gitna ng krisis ng epidemyang COVID-19, may bukas na oportunidad para sa pagbubuo ng kapayapaan sa Malalim na Timog ng Thailand, kungsaan ang magkaribal na partido ay ang pamahalaang Thai at ang BRN. Noong ika-3 ng Abril 2020, naglabas ng pahayag ang BRN-Coordinate para sa pagwawakas ng karahasan upang magbigay-daan sa pagtulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong-medikal, na ang tanging kondisyon ay hindi muling magsisimula ng operasyong militar ang estadong Thai.

…Ihihinto ngayon ng BRN ang lahat ng aktibidad sa makataong batayan dahil napagtanto namin na ang pangunahing kaaway ng sangkatauhan ay ang COVID-19, ayon sa pahayag na ipinagpapalagay na mula sa Sentral na Kalihiman ng BRN. 6

Inihayag ni Rukchat Suwan, pangulo ng Buddhist Network for Peace in the Southern Border Province at dating pangalawang pangulo ng Civil Society Council of Southernmost Thailand ang kanyang komento sa Facebook noong ika-5 ng Abril na lahat ay nagagalak na lumahok at hindi dapat bale-walain ng pamahalaang Thai ang pahayag na “hangga’t hindi naglulunsad ng anumang atake ang mga opisyal ng pamahalaang Thai”. Mula nang maganap ang karahasan sa katimugang probinsya ng Thailand noong 2004, ang Buddhist Network for Peace na itinatag ng mga Buddhist na naninirahan sa mga hanggangang probinsya sa katimugan ay isang grupo na naghahangad ng kapayapaan at nagbibigay ng tulong sa sinumang Buddhist; para magbigay ng mahusay na pag-unawa kung paano sama-samang makapamumuhay nang mapayapa sa tatlong hangganang probisnya sa katimugan at para itakwil ang anumang karahasan bilang paglutas ng mga suliranin sa mga lugar na ito. 7

Makikita rin ang estadong awtoritaryan sa tatlong di-pangkaraniwang insidente ng kaguluhang sibil sa distrito ng Nong Chik, probinsya ng Pattani noong ika-30 ng April 2020. Mula sa insidenteng ito, naglabas ng deklarasyon ang BRN na binale-wala ng kaaway (estadong Thai) ang tigil-putukan sa panahon ng COVID-19.

“…Gayunpaman, binale-wala ito ng kaaway na nagbabanta sa kapayapaan ng mamamayang Pattani tulad ng: paghalughog sa kabahayan, arbitrasyong pang-aaresto, at sapilitang pagkolekta ng DNA. Samantala, tinutugis at inuudyukan ang mga kasapi ng BRN, subalit tumatanggi ang mga tagapagtaguyod ng BRN na magsimula ng anumang operasyon bilang pagkilala sa deklarasyon.” Pahayag ng BRN sa media, ika-1 ng May0 2020.

Isa ang Civil Society Council of Southernmost Thailand o Dewan Masyarakat Madani Selatan Thai  sa mga pormal na civil society sa timog Thailand. Tinitipon ng organisasyong ito ang iba pang 20 grupong civil society na interesadong makipagtulungan upang maibunsod ang kapayapaan.

Larawan 1: Ang logo ng Civil Society Council of the Southernmost Thailand o Dewan Badan Masyarakat Madani Selatan Thailand

Pangunahing layunin ng Civil Society Council of the Southernmost Thailand ang maglaan ng plataporma sa lahat ng pampublikong sektor hinggil sa pagpapahusay ng civil society, pagpapasiya para sa paglutas ng marahas na hidwaan, pagpapaunlad ng sustenableng mga hangganang probinsya sa katimugan, paghahayag at paglikha ng mga espasyong publiko para sa lahat. Ang unang pormal na pagbubukas ay isinagawa noong ika-20 ng Agosto 2011 sa C.S. Hotel, Pattani. Ako ang katuwang-na-tagapagtatag at unang babaeng pangkalahatang kalihim ng organisasyon. 8 (Tingnan ang larawan 2.)

Picture 2: Press conference para sa Civil Society Council of Southernmost Thailand na ginanap noong August 20, 2011. Naka-upo sa gitna ng mesa, nakasuot ng damit na kulay kahel.

Isa pang kahirapan ng civil society council sa paglutas sa suliranin sa hangganan ng Katimugang Thailand ay ang pagtangging uriin ang lugar na ito bilang larangan ng digmaan. Ayon sa lokal na mamamahayag na si Tuwaedaniya Meringing, sinusubaybayan ng dalawang organisasyong internasyunal ng ICRC at Geneva ang maligalig na sitwasyon sa pamamagitan ng paggamit ng international humanitarian law) o batas digmaan (war law), gayunpaman, nakitang magkaiba ang depinisyon ng digmaan sa praktika at sa teorya. 9  

Sa kasalukuyan, nahaharap ang katimugang rehiyon sa kalamidad ng pandemya, dagdag pa sa kalamidad na likha-ng-tao. Palihim na kinolekta ang DNA sa kritikal na sitwasyon ng COVID-19. Noong ika-6 ng April 2020, kinolekta ng mga opisyal na nagsasabing sila ay mga pulis at paramilitar ang DNA ng tatlong karaniwang lalake sa probinsya ng Songkhla. Lumikha ng pagdududa sa lugar ang ganitong mga pakubling gawi. Isang organisasyong civil society ang Cross Cultural Foundation (CRCF Thailand) na isang organisasyong nonprofit na itinatag noong 2002.  Itinataguyod ng grupong ito ang karapatang pantao at akses sa hustisya. Inihayag ng CRCF Thailand na hindi katanggap-tanggap ang gayung aksyon.

   …Maaari lamang mag-imbak ng DNA mula sa mamamayan kung ang taong ito ay akusado sa isang kasong kriminal, nang may pahintulot ng akusado at naaayon sa mga kondisyon sa Criminal Procedure Code, Section 131/1 na nagsasaad ng kapangyarihan ng opisyal na nag-iimbestiga para lamang patunayan ang paglabag ng akusado. May karapatan ang inosenteng tao na hindi lumabag sa batas na tanggihan ang mga awtoridad na mag-imbak ng kanyang DNA. 10 

Isa pang sitwasyon na nagpapakita ng estadong awtoritaryan ang namalas noong kalagitnaan ng Mayo 2020. Nakipagtulungan ang Internal Security Operations Command sa Office of The National Broadcasting and Telecommunication Commission (NBTC) sa pagputol sa signal ng mobile phone, at prepaid system, ng mga tumangging magparehistro ng bagong SIM card sa pamamagiytan ng sistemang face scan (2snap system) na, itinuturing na kabilang sa mga dahilang pambansang seguridad. Naging problema ang pagsala sa telepono sa gitna ng krisis ng COVID-19 at ang pinakabulnerableng grupo dito ang ang maralitang mamamayan na gumagamit ng sistemang prepaid para maka-ugnay ang kanilang pamilya, makatanggap ng impormasyon ukol sa COVID-19 sa pamamagitan ng paghingi ng payo sa mga ahensyang medikal at kalusugang publiko, o mag-ulat sa ospital kung may kapamilyang may karamdaman at iba pang pangangailangan. Dagdag pa, labag sa karapatang pantao ang pagputol sa signal ng prepaid. 11

Ang Deep South Relief and Reconciliation Foundation (DSRR) ay isang organisasyon na nabuo mula sa National Reconciliation Commission (NRC), kungsaan naitatag ang DSSR sa pamamagitan ng paggamit sa nalalabing pondo mula sa NRC. Itinatag noong ika-19  ng Enero 2010, ang DSRR ay isang foundationbased na pinamamahalaan ng mga grupo ng tao na may karanasang magtrabaho sa rehabilitation projects sa mga mamamayang naapektuhan ng ligalig sa Malalim na Timog ng Thailand. Ang DSRR ay mga akademiko sa Prince of Songkla University (PSU) na may katiyakan ng pagiging nyutral. Sa kabuuan, may higit 30 organisasyon ito na ipinapakita sa talaan. (Tingnan ang Talaan 1).

Table 1: Isang halimbawa ng mga organisasyong civil society sa katimugang hangganan ng Thailand

Blg.Pangalan ng OrganisasyonPangulo
/Pinuno
Pinagmulan(Mga) LayuninMga Aktibidad
1CIVIC WOMENSoraya JamjureeItinatag ang grupong ito noong 2010 sa suporta ng Office of Extension and Continuing Education, PSU Pattani Campus. Sinusuportahan ng CIVIC WOMEN ang mga kababaihang apektado ng maligalig na sitwasyon para sa kilusang pangkapayapaan, pondo mula sa EU at OXFAM. Paunlarin ang mga papel ng kababaihan sa paglahok sa prosesong pangkapayapaan para sa pagresolba sa maligalig na sitwasyon sa katimugang hangganan. – Pahusayin ang Food Seguridad sa Pagkain at Hanapbuhay para sa mga Bulnerableng Lalaki at Babae
– Bigyang kapangyarihan ang kababaihan para sa mga Dayalogong Demokratiko at Pang-kapayapaan sa pamamagitan ng radyo at iba pang social media
2The Group of Art and Literature Panwongdaern AssociationNawapon LeninSimula noong 2007, itinatag ang grupo mula sa isang artistic network. Ang mga pangunahing aktibidad ay paggamit ng iba’t ibang sining gaya ng musika at pagpipinta sa paghahatid ng mensahe para sa kapayapaan sa katimugang hangganan. Suportahan ang sari-saring sining para sa mga aktibidad pangkapayapaan para sa publiko – Pagtataguyod ng mga aktibidad pansining para sa kilusang pangkapayapaan sa katimugang hangganan ng Thaniland sa pamamagitan ng pag-uugnay ng iba’t ibang grupong pansining.
3Merpati GroupUsaman DaoSimula noong 2014, kasama sa grupong ito ang mga tao mula sa Pattani, Yala at Naratiwat na naapektuhan ng mga batas panseguridad na ipinataw sa mga katimugang probinsya ng Thailand. Palaksin ang mga kasapi ng grupo at iba pa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kurikulum para sa kapayapaan at karapatang pantao. – Pag-aaral hinggil sa kapayapaan, karapatang pantao at demokrasya
4Youth Network for the Quality of life of Orphans DevelopmentNurhayatee MoloSimula noong 2011, bumubuo ng ugnayan ang kabataan mula sa timog Thailand para suportahan ang mga naulilang apektado ng sitwasyon ng ligalig. Sinimulan ito ni Hamah Morlor.Magbuo ng espasyong publiko para sa talakayan hinggil paksa ng mga naulila sa gitna ng sitwasyon ng ligalig. – Pangangalaga sa mga naulila mula sa siwasyon ng ligalig sa pamamagitan ng mga aktibidad panrelihiyon, pagbibigay ng iskolarship at paghimok sa kanila na magpatuloy sa pag-aaral.
5THE PATANIArtef SohgoSimula noong 2015, Ang THE PATANI ay isang organisasyong itinatag ng isang grupo ng mga dating estudyanteng aktibista na may iba’t ibang katayuan sa ngayon Tinawag ng mga kasapi ang grupong ito bilang THE PATANI. Lumikha ng pagkakaisa sa mga mamamayan ng Patani na may ideolohiyang pampulitika para sa mga taga-Patani – Pagtatatag ng plataporma para sa dayalogo sa pagitan ng mamamayang Patani.
– Pag-oorganisa ng porum tungkol sa mga paksa hinggil sa hiwdaan sa Patani sa ASEAN people forum
– Pagtatakda ng humanitarian day
– Paglalabas ng dalwang aklat: The Listening Project at Peace history


6Prof. Haji Sulong AbdulQadir Tohmeena foundationDen TohmeenaSimula noong 1992, Si G. Den Tohmeena, kasapi ng Parliamento ng Pattani at Deputadong Ministro ng Interyor, ang ikatlong anak na lalaki ni Haji Sulong Tohmeena na naglalayong iparehistro ang foundation sa ngalan ng kanyang ama upang gunitain ang birtud at lahat ng mabuting halimbawa sa susunod na henerasyon. 1. Magbigay sa publiko ng asignaturang relihiyoso at pangkalahatang edukasyon
2. Magbigay ng tulong pang-edukasyon sa mga ulila at mahihirap na mag-aaral
3. Suportahan ang mga aktibidad pang-relihiyon
4.Magtayo ng ospital at pasilidad para sa pangangalaga sa matatanda
5.Manguna sa serbisyo publiko at makipagtulungan sa iba pang foundations
– Noong 2015, nag-organisa si Prof Haji Sulong AbdulQadir Tohmeena para sa ika-61 anibersaryo ng pagkawala ni Prof Haji Sulong AbdulQadir Tohmeena at iba pa.
– Noong 2016, inorganisa ng foundation ang ika- 62 anibersaryo ng Pagkawala ni Prof Haji Sulong AbdulQadir Tohmeena, kasama si Prof. Krisak Chunhawan (Si Pol Gen Pao Sriyanon ay tiyuhin-sa-asawa ni Krisal) sa pagpaslang kay Prof Haji Sulong AbdulQadir Tohmeena at dumating ang mga grupo upang makiramay sa pamilya
7Deep South Journalism School (DSJ)Saronee DerekSimula noong Disyembre 2010, nang itatag ang DSJ. Ang DSJ ay isang dibisyon na nakapailalim sa Deep South Watch (DSW).Itaguyod ang prosesong pangkapayapaan sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan sa susunod na henerasyon ng mga journalists sa paraan ng pagpokus sa mga bata at kabataang apektado ng sitwasyon ng ligalig.Nagbibigay-diin ang DSJ sa tatlong paksa: proseosng pangkapayapaan, prosesong panghukuman at kilusan ng mga organisasyong civil society, nagtataguyod ng mga sona ng kaligtasan para sa mga bata, nagpapalaganap ng proteksyong sosyal para sa mga bata at pagtataguyod na hindi dapat maging bulnerable sa atake ang mga bata at kabataan

Mula nang itatag ang civil society hanggang kasalukuyan, nananatiling hindi nalulutas ang suliranin sa mga hangganang probinsya sa timog. Halimbawa nito ang tunggaliang istruktural sa sentralisadong pamahalaan, ang paraan ng pamumuhay ng mga lokal na mamamayan, pinalalala ng suliranin sa droga, karapatang pantao, hustisya at korupsyon ang sitwasyon. Minomonopolisa ng mga ahensyang panseguridad at gobyerno ang negosasyon at iniiwasan ang internasyunal na organisasyong para sa karapatang pantao na nahihirapang gumana. Patuloy na ginagamit ang IO Facebook. Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, patuloy na sinisiraan ng IO Facebook ang civil society groups sa pamamagitan ng pagsasabing walang anumang ginawa ang mga ito upang tulungan ang mamamayan. Nararapat na gampanan ng pamahalaan ang aktibong papel ang pamahalaan upang protektahan ang mamamamyan mula sa karahasan, palahukin sila sa pagbubuo ng mga pasya at engganyuhin sila sa pagpapa-unlad ng komunidad at civil society.

Alisa Hasamoh
Lecturer, Social Development Department, Faculty of Humanities and Social Science
Prince of Songkla University

Notes:

  1. UShistory.org. (2019). The Purpose of Government. Retrieved from https://www.ushistory.org/gov/1a.asp.
  2. Butkevičienė, E., Vaidelytė, E., & Šnapštienė, R. (2010). Role of civil society organizations in local governance: theoretical approaches and empirical challenges in Lithuania. Public Policy and Administration33(1), 35-44.
  3. Rotberg, R. I. (2003). Failed States, Collapsed States, Weak States: Causes And Indicators. State Failure And State Weakness in a Time Of Terror, pp.1, 25.
  4. See more http://pulony.blogspot.com/.
  5. Workpointnews. International Security Operations Command Acknowledge The IOOperation Has Actually Been Done for 10 Years and it not Related with National Council for Peace and Order (NCPO). Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=muL8Dfmm76A.
  6. Pimuk Rakkanam and Mariyam Ahmad. (2020). BRN Rebels Declare Ceasefire in Thai Deep South Over COVID19. Retrieved from https://www.benarnews.org/english/news/thai/BRN-ceasefire-COVID-19-04042020141405.html. Also see, Information Department-BRN. (2020).  Perisytiharan Brn Tentang Menghadapi Wabak Covid19. Retrieved from https://youtu.be/9Q6zkFro7t4.
  7. Analayo. P. S. “Buddhist Network for Peace: Social Movement for Peace Building Process in Three Southern Border Provinces”. Journal of MCU Peace Studies, Vol.1. Also see, Institute of Human Rights and Peace Studies. (2016). Buddhism and Majority Minority Coexistence in Thailand. Nakorn Pathom: Mahidol University.
  8. Lekha Kanklao. (2554). 20 organizations established “Civil Society Council of the Southernmost Thailand” promotes special local governance policies. Retrieved from https://bit.ly/2TY6nXA. The first day founded July 31, 2011.
  9. Tuwaedaniya Meringing. Advantage/Disadvantage for Thai Government When International NGOs Monitored The Unrest Situation in the Southern Border Provinces (Especially in the Role of ICRC and Geneva Call). Retrieved from https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=698100434097872&id=473069013267683&__tn__=K-R.
  10. Cross Cultural Foundation. (2020). The Statement Calls for Ending the Collection of Peoples DNAs during the COVID19 Crisis Because the Risk of Spreading of the COVID19 Pandemic and Violate Public Health Rules. Retrieved from https://bit.ly/3cjD2Np.
  11. Cross Cultural Foundation. (2020). Protecting the Rights of People who Use Mobile Phone when the Signals was Forced to Disconnect in the Southern Border Provinces. Retrieved from https://crcfthailand.org/.
Exit mobile version