Site icon Kyoto Review of Southeast Asia

Bagong Pananaliksik sa Pagtatrapik sa Tao sa Punong-lupang Timog-silangang Asya

          

The Migration of Thai Women to Germany: Causes, Living Conditions and Impacts for Thailand and Germany 
(Ang Migrasyon ng mga Kababaihang Thai sa Alemanya: Mga Sanhi, Kalagayang Pangkabuhayan at Epekto sa Thailand at Alemanya) 
Supang Chantavanich, Suteera Nittayananta, Prapairat Ratanaolan-Mix, Pataya Ruenkaew and Anchalee Khemkrut 
Bangkok / Asian Research Center for Migration, Chulalongkorn University / 2001 

Chinese Women in the Thai Sex Trade 
(Mga Kababaihang Tsino sa Thai Sex Trade) 
Vorasakdi Mahatdhanobol. Translated by Aaron Stern, edited by Pornpimon Trichot 
Bangkok / Chinese Studies Center, Asian Research Center for Migration, Institute of Asian Studies, Chulalongkorn University / 1998 

“Pitfalls and Problems in the Search for a Better Life: Thai Migrant Workers in Japan” 
(Mga Peligro at Problema sa Paghahanap ng Mas Mabuting Buhay: Mga Migranteng Manggagawang Thai sa Hapon) 
Phannee Chunjitkaruna 
Sa Thai Migrant Workers in East and Southeast Asia 1996-1997 
Supang Chantavanich, Andreas Germershausen, and Allan Beesey, editors 
Bangkok / The Asian Research Center for Migration, Institute of Asian Studies, Chulalongkorn University / 2000 

Thailand-Lao People’s Democratic Republic and Thailand-Myanmar Border Areas: Trafficking in Children into the Worst Forms of Child Labour. A Rapid Assessment 
(Ang Hangganan ng Demokratikong Republikang Thailand-Lao at Thailand-Myanmar: Ang Pagbebenta sa mga Bata sa Pinakamasamang Uri ng Child Labor: Isang Pahapyaw na Pagtatasa) 
Christina Wille 
Geneva / International Labour Organization / 2001 
Basahin onlayn sa: http://www.ilo.org/public/english/region/asro/bangkok/library/pub1.htm 

Small Dreams Beyond Reach: The Lives of Migrant Children and Youth Along the Borders of China, Myanmar and Thailand 
(Mga Munting Pangarap na Di-maabot: Ang Buhay ng mga Migranteng Kabataan sa mga Hangganan ng Tsina, Myanmar at Thailand) 
Therese M. Caouette 
A Participatory Action Research Project of Save the Children (UK) and the UK Department for International Development / 2001 
Basahin onlayn sa: http://www.savethechildren.org.uk/labour/small%20dreams%20beyond%20reach.pdf 

“Return and Reintegration: Female Migrations from Yunnan to Thailand” 
Allan Beesey 
(Pagbabalik at Reintegrasyon: Mga Migrasyon ng Kababaihan mula Yunnan Patungong Thailand) 
Sa Female Labour Migration in South-East Asia: Change and Continuity 
Supang Chantavanich, Christina Wille, Kannika Angsuthanasombat, Maruja MB Asis, Allan Beesey, and Sukamdi, editors 
Bangkok / Asian Research Center for Migration, Institute of Asian Studies, Chulalongkorn University / 2001

Ang pagtatrapik sa tao mula sa punong-lupang Timog-silangang Asya sa kasalukuyang panahon ay nagsimula noong dekada 60 kaugnay ng pagkakaroon ng tropang Amerikano sa Indotsina. Matapos ang pag-alis ng mga pwersang-E.U. sa Indotsina noong 1975, ang ilang mga babae ay nanatili sa sex trade sa Thailand; ang iba naman ay nagsimulang magtrabaho sa ibang mga bansa, partikular sa Alemanya, Scandinavia, Hong Kong, at Hapon. Pinadali ng mga ahente ang migrasyon at pagpapatrabaho sa mga babae sa pamamagitan ng “international human trafficking networks.” Isang susing problema ay ang kawalan ng kapangyarihan ng mga babaeng migrante na malaman nang maaga at mapanghawakan ang kanilang kalagayang-panggawa.

Ang mga ebidensya mula sa bagong pananaliksik hinggil sa pagtatrapik sa tao at di-regular na migrasyon sa Timog-silangang Asya ay nagpapakita ng bahagyang “shift” sa konsepto ng pagtatrapik. Ang “shift” na ito ay maoobserbahan sa katangian ng mga rekruter at tagahatid, ang proseso ng pagtatrapik, at ang pagsasamantala pagdating sa destinasyon.

Pagrekluta: Nalaman na mayroong mga maaasahang rekruter – mga kapatid at malapit na kaibigan – na ang serbisyo ay hindi nagreresulta sa pagtatrapik. Ang paggamit sa dahas, pagkidnap, pagpilit, at pagtangay na lamang ay hindi na karaniwan. Sa maraming pagkakataon, ang mga biktima ay lumalapit sa mga rekruter para humingi ng impormasyon hinggil sa migrasyon. Subalit ang paggamit ng maling impormasyon hinggil sa trabaho at kalagayang-paggawa ay mas madaling natutukoy.

Pagtatrapik: Ang mga tagahatid ay tumutulong sa mga migrante na nais makaiwas sa mga mahigpit at masalimuot na regulasyon sa imigrasyon. “Human smuggling” ang masasabing ginagawa ng mga tagahatid na ito sa panahong parami nang parami ang mga migranteng boluntaryong nagpapatrapik. Maaring tignan na ang paraan ng paglalakbay ay hindi kasinghalaga ng pagtawid sa hangganan o pagpuslit sa kontrol sa imigrasyon. Ang mga network sa pagtatrapik ay mayroong koordinasyong tumatawid ng mga hangganan sa kanilang operasyon. Ang paggamit sa mga pekeng papeles panlakbay ay karaniwan. Ang mga popular na destinasyon para sa pagtatrapik ay ang mga lugar kung saan ang kontrol sa imigrasyon ay mahina at kakaunti lamang ang mga migranteng bumababa.

Pagsasamantala: Maliban sa pagkaalipin dahil sa utang o debt bondage at pagsasamantalang sekswal, ang mga taong itrinapik ay nakakaranas ng iligal na pagkakapiit, kumpiskasyon ng mga papeles, pagkaaresto at ekstorsyon, sapilitang pagtrabaho nang labis sa oras, at mahirap, masikip at marahas na kalagayan sa buhay. Walang mga kaso ng pang-aalipin at pagtanggal ng organo ng tao. Natutukoy naman ang pagtrapik sa mga batang babae para sa kasal at domestikong paggawa, gayundin ang sa mga sanggol at paslit. Mahalagang bigyang-pansin din ang pagdami ng mga kaso ng mga kababaihang boluntaryo at buong-kaalamang lumuluwas para sa sex trade at muling nabibiktima. Ang mga natutukoy na biktima ay ayaw magpatulong para makauwi.

Supang Chantavanich

Isinalin ni Sofia Guillermo
Kyoto Review of Southeast Asia. Issue 4 (October 2003). Regional Economic Integration

Exit mobile version