Farchan Bulkin
“State and Society: Indonesian Politics Under the New Order, 1966-1978”
(Estado at lipunan: Ang pulitikang Indones sa Bagong Kaayusan, 1966-1978)
PhD dissertation / University of Washington / 1983
Mochtar Mas’Oed
Economi dan Struktur Politik Orde Baru 1966-71
(Ang ekonomya ng Bagong Kaayusan at ang istrukturang pulitikal, 1966-71)
Jakarta / LP3ES / 1989
Daniel Dhakidae
“The State, the Rise of Capital and the Fall of Political Journalism: Political Economy of the Indonesian News Industry”
(Ang estado, ang pagdagsa ng kapital at ang pagbulusok ng pampulitikang pamamahayag: Ang ekonomyang pulitikal ng industriya ng pamamahayag sa Indonesya)
PhD dissertation / Cornell University / 1991
Sinusuri ng artikulong ito ang tatlong mahahalagang kasulatang Indones hinggil sa ekonomyang pampulitika noong panahon ng New Order. Ihinahain nito ang palagay na ang kasalatan ng mga ganitong pag-aaral ay sumasalamin sa pagmamarginalisa ng New Order ni Soeharto sa pag-aanalisa sa kapitalismo at uri sa pamamagitan ng pagkakawing dito sa Marxismo na ipinagbawal nito. Wala ni isa mga mga kasulatang ito ay inilathala sa wikang Ingles, bagama’t isinulat ang mga ito bilang mga disertasyong pang-PhD sa mga unibersidad sa Estados Unidos. Dahil dito, hindi gaanong kilala ang mga ito sa labas ng mga sirkulong Indones. Iisa lamang sa mga ito ang naisalin sa wikang Indones.
Ang aklat ni Farchan Bulkin ay isang malawakang historikal na pag-aaral na pumapaksa sa batayang panlipunan ng pamahalaang Indones na maiuugnay sa mga katangian ng “peripheral capitalism” at sa pagtaas at pagbagsak ng pampulitikang kapalaran ng mga “middle class groups” ng bansa. Para kay Bulkin, ang kawalan ng demokrasya sa Indonesia ay maiuugat, sa kalakhan, sa di-pagkakaroon ng malakas na panggitnang uri na may kakayahang magpaunlad ng isang malakas na “pambansang” ekonomya. Ang aklat ni Mochtar Mas’oed ay naglalayong mag-analisa sa pagsibol at maagang panahon ng New Order at sa mga lumitaw na istrukturang pulitikal at institusyon. Binibigyang-pansin niya ang korelasyon ng interes sa pagitan ng international capital at ng mga bagong pinunong militar na Indones, intelektwal, at ideologue sa pagtangkilik sa direksyon ng international capital. Ang aklat ni Daniel Dhakidae ang kauna-unahang tumalakay sa pamamahayag na Indones bilang industriyang kapitalista ay nakabase sa pangunahing datos at mahabang panahon ng field research. Iginigiit ni Dhakidae na ang pagsulong ng industrial capitalism at ang komodipikasyon ng news media ay nagbago sa pinakaesensya ng pamamahayag sa Indonesia, at humantong sa pagwawakas ng tradisyon ng “political journalism.”
Pagsusuri ni Vedi R. Hadiz sa
Insinalin ni Sofia Guillermo
Read the full article (in English) HERE