John T. Sidel
Capital, Coercion, and Crime: Bossism in the Philippines
(Ang kapital, pamumuwersa, at krimen: Ang bosismo sa Pilipinas)
Stanford, U.S.A. / Stanford University Press / 1999
Patricio N. Abinales
Making Mindanao: Cotabato and Davao in the Formation of the Philippine Nation-State
(Ang pagbubuo ng Mindanaw: Ang Cotabato at Davao sa pormasyon ng nasyon-estadong Pilipino)
Quezon City, Philippines / Ateneo de Manila University Press / 2000
Sinusuri sa sanaysay na ito ang dalawang bagong-labas na halimbawa ng pag-aaral hinggil sa “strongman politics” sa Pilipinas. Ang mga aklat na ito ay pumupuna sa akademiko at popular na pagtanggap sa pwersa ng “tradisyunal” na relasyong “patron-client” (Sidel) at “identity politics” (Abinales) sa paghubog sa sitwasyong pampulitika ng Pilipinas. Ginagamit ni Sidel ang konsepto ng “bosismo” at ni Abinales ang konsepto ng “strongmen” upang muling analisahin ang kuneksyon sa pagitan ng “estado” at “lipunan,” habang nagbibigay-diin sa mga pamana ng prosesong historikal ng pagbubuo ng estado sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano (American colonial state-formation). Para sa mga iskolar na ito, ang pagbubuo ng estado (state-formation) ay hindi naganap nang hiwalay sa pagbangon ng “strongman,” bagkus ay inilatag nito ang pundasyon para sa paglitaw at konsolidasyon ng kapangyarihang “strongman.” Dagdag pa, sapagkat ang mga case study ng dalawa ay nagmumula sa labas ng punong-lungsod ng Maynila, sinusuri nila ang kumplikadong relasyon sa pagitan ng lokal at pambansa, at sa gayo’y nagbibigay-liwanag sa kasalimuotan ng mga relasyon ng kapangyarihan na humuhugis sa pamumulitika at representasyon.
Sa kabila nito, ang dalawang aklat ay nagkakaiba sa usapin ng relasyon ng mga “strongman” sa kanilang nasasakupan at sa kanilang paggamit sa “coercive pressures” (sa pamamagitan ng karahasan at pandaraya sa halalan). Tinitingnan ni Abinales ang paglabo ng hangganan sa pagitan ng opisyal at ng personal bilang isang porma mismo ng pamamahala, samantalang ang nakikita naman ni Sidel ay isang estadong mandaragit na likha ng mga ganid na hepe na bahagi ng kumplikadong lambat ng mga hepe. Ang ganitong pagkakaiba sa interpretasyon ay nagpapatingkad sa sumusunod na mga katanungan: Anong uri ng mga pagtugon ang bukâs para sa mga Pilipinong “strongman” at sa mamamayan? Hanggang saan nalilimitahan ng akademikong pag-aaral mismo ang sarili nito sa pagkakaintindi sa masalimuot na katangian ng kapangyarihang pulitikal sa Pilipinas matapos ang kolonyalismo?
Pagsusuri ni Caroline S. Hau
Read the full unabridged article (in English) HERE